Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Chairman ‘tupada’ ‘makalusot’ kaya kay DILG Sec. Año?

HINDI pa man humuhupa ang mainit na isyu hinggil sa insidente sa Gubat sa Ciudad Resort sa lungsod ng Caloocan, na daan-daang itik ‘este’ eskursiyonista
ang nagpunta upang magpagpag ng alinsangan sa swimming pool sa kasagsagan ng modified enhanced community quarantine (MECQ), heto at isa na namang pasaway na batangay chairman ang nag-trending at agad sumunod sa yapak ni Brgy. 171 Chairman
Romeo Rivera.
 
Tinutukoy natin dito ang patupada na ‘naboplaks’ sa Sitio Mangumit, Barangay Canlubang, Calamba City nitong 23 Mayo 2021.
Sa ikinasang Oplan Bolilyo at Oplan Paglalansag Omega ng CIDG-RSOT RFU4A, sinalakay ng mga operatiba ang tupada sa teritoryo ni Brgy. Chairman
Larry Dimayuga.
Sonabagan!
Tila ‘feeling untouchables’ ang ilang barangay chairman ngayon kaya ang lalakas ng loob.
Sa ginawang pagsalakay, apat ang nahuli na pawang residente sa Barangay Canlubang. Kinilala ang mga suspek na sina Jury Dollendo, 36 anyos, Tyron Yzel Doctora, 27, Joel Mameng, 38, at Michael De Luna, 38 anyos.
Kasama rin sa nakompiska kay kupitan ‘este’ Kapitan Dimayuga ang isang 9mm Glock 17 pistol, Gen 4 Austria Pistol, isang magazine at 16 live ammunition
na walang lisensiya.
Astig si chairman!
Sa report, sinabing deretso sa CIDG-PNP Region 4 si Dimayuga kasama ang apat pang nahuli upang imbestigahan at ikalaboso?!
Sa kanilang Facebook Page, agad nagbigay ng pahayag si Dimayuga at mariing itinanggi ang akusasyon na siya ang operator ng naturang tupada.
Siya raw ay naroon at sukbit ang kanyang baril upang magresponde?!
Tell that to the marines, Kap!
Kung ang talagang pakay niya ay magresponde, bakit hindi siya mismo ang nag-report sa CIDG, na nariyan lang sa kanyang lugar, bago pa sumugod
ala-Rambo style enforcer?!
Ayon din sa team leader ng operating team ay noon pa under surveillance ang nasabing lugar dahil sa mala-gerilyang pabigla-bigla ang sulpot ng kanilang ‘talpakan!’
Malinaw na lumabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) Omnibus Guidelines si Kapitan Larry Dimayuga.
Kasong Gross Neglect of Duty and Conduct Prejudicial to the Service kasabay ang 60 days preventive suspension ang inaasahang ipapataw kay
chairman oras na siya ay mapatunayang nagkasala.
Ang pagkakaroon ng mass gatherings ngayong pandemya ay mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng lugar sa Calabarzon na nasa ilalim ng heightened general community quarantine.
Panawagan sa opisina ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, siguro naman po ay hindi nalalayo ang kaso nitong si Kap. Larry Dimayuga sa kaso ni Kap Romeo Rivera ng Brgy. 171 Caloocan City.
 
Magiging unfair naman sa iba kung makalulusot sa kaso ang isang ‘feeling entitled’ na opisyal ng gobyerno?!
 
‘Di ba, Secretary Año?
 
 
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
 
 
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *