Canadian national hindi pinasakay sa Korean Airlines (RT-PCT swab test result expired)
SA LABIS na desperasyon, isang dayuhang Canadian national ang nagwala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) departure area ng NAIA Terminal 1, iniulat kahapon.
Nagalit umano ang dayuhan na kinilalang si Jim Robert, Canadian national nang hindi siya payagan sa check-in counter ng Korean Airlines para sa kanyang connecting flight patungong Korea at Canada.
Pinagmumura umano ni Robert ang mga staff ng Korean Airlines na nakatalaga sa check-in counter nang hindi siya payagang sumakay sa eroplano patungong Korea.
Depensa ng Airlines, alam nila ang guidelines at dahil expired ng five hours ang RT-PCR test ng pasahero na patunay na negatibo siya sa CoVid-19 test, hindi siya pinayagan sumakay para sa kanyang flight.
Mananagot umano ang Korean Airlines kapag pinasakay nila ang nasabing pasahero dahil hindi pasok sa 72 hours ang kanyang RT-PCR test mula Korea patungong Canada.
Walang masabing sapat na dahilan ang Airlines kung bakit hindi nila tinulungan ang pasahero. Ipaaalam na lamang umano nila sa Canadian Embassy dito sa Filipinas ang sitwasyon ng dayuhan.
Pinakiusapan ni APO lll Sagun, Jr., ang airline para tulungan ang pasahero ngunit tumanggi at ang katuwiran wala naman daw problema maliban sa 5-hour expired na swab test result ng dayuhan.
Sa kasagsagan ng pagwawala, nahimasmasan ang dayuhan nang dumating ang mga pulis na binigyan siya ng facemask.
Iinalabas at inaalalayan ng Airport police ang pasahero sa arrival extension para roon siya makapagpahinga.
Wala na rin umanong pera ang nasabing dayuhan mula sa Southern Leyte. (JSY)