Saturday , November 16 2024
dead gun

Pulis patay sa baril ng kabaro (Naglaro sa inuman)

PATAY ang isang bagitong pulis makaraang pumutok ang pinaglala­ruang baril ng kapwa pulis na kanyang kainu­man sa Barangay Commonwealth sa Quezon City nitong linggo ng madaling araw.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director BGen. Antonio Yarra, kinilala ang biktima na si P/Cpl. Higinio Wayan, 31 anyos, nakatalaga sa Kamuning Police Station 10.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa 2nd Street, Bitoon Circle pasado 3:00 ng madaling araw.

Una rito, kasama ng biktimang si Wayan ang dalawa pang pulis na kanyang kaibigan na sina Cpl. Sherwin Rebot at Cpl. Harold Mendoza at isa pang sibilyan na si Lorenzo Lappay habang nag-iinuman ang sa isang bahay sa nasabing lugar.

Kuwento ni Lappay kay P/SSgt. Rolando Laddaran, imbestigador ng QCPD Station 6, nagtungo sa comfort room si Rebot at iniwanan sa ibabaw ng mesa ang Glock caliber 40 na kanyang service firearm.

Ilang sandali pa ng kinuha ni Wayan ang baril na itinutok sa kanyang dibdib at ipinutok.

Pero napag-alaman, bago ang insidente ay nag-usap-usap at nagka­sundo ang mga pulis na mag-unload ng kanilang magazine sa kanilang mga baril dahil mag-iinuman sila.

Maaari umanong inakala ng biktima na walang bala ang baril ni Rebot kaya ito dinampot at itinutok sa dibdib.

Sa pag-akalanag walang lamang bala ang baril, kinalabit ng biktima ang gatilyo at saka pumutok.

Palaisipan sa mga imbestigador kung bakit baril ni Rebot ang napag­diskitahan ni Wayan para paglaruan samantala nakasukbit pa sa bay­wang ang kanyang service firearm na isang .9mm beretta.

Pansamantalang ikinostudiya ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang dalawang pulis at si Lappay na itinuturing na “persons of interest” habang sinisiyasat ang mga pangyayari. (ALMAR DANGUILAN)

 

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *