ANG dalangin ng child actor (12 years old na siya) na si Kenken Nuyad matapos ang sari-saring bagyong dumaan sa buhay nila ng kanyang pamilya ay, ”Maging matatag, always pray at magpasalamat. Sa mga dinaanan po namin, doon ko naramdaman na maraming nagmamahal sa akin kaya always fight at maging strong sa lahat ng problema lalo pa at ako po ang breadwinner sa aking pamilya.”
Nakita ni Kenken ang isang kulay ng buhay. Ang madilim na parte sa mga pagkakataong halos mamalimos siya sa mga kakilala, para maipagamot ang ina, para maayos ang buhay nila at may makain sa araw-araw at marami pa. Sa pandemya.
Ngayon, muling makikita ang abot-tengang ngiti kay Kenken dahil mapapabilang na siya sa isang artist management company at lumagda na siya ng kontrata rito.
Sa K5milya ng Star A’s Academy -Production Inc. makakasama ni Kenken sina award winning actor Cogie Domingo, actor/model Conan King, at Tiktoker Rosie Bagenben “Mama Rosie.”
Pinakaiingat-ingatan ni Kenken ang mga simbolo ng kanyang kahusayan sa pagganap at patuloy na binabalikan ang mga ala-alang hatid nito sa kanya.
“Six na awards po Tita ang naipagkaloob na sa akin, isa sa Cinemalaya, isa sa Star Awards, dalawa sa Urduja, isa sa Gawad Pasado, at isa sa Guillermo po,” ayon kay Kenken.
Ang pangarap ni Kenken ay maging isang mahusay na direktor at makapasok at makilala sa international movies.
Sa ngayon, itinutuloy niya ang online classes kasama ang mga kapatid. Sininop ang tirahang sinira ng kalamidad. At nagsisimulang mabigyan ng mga pinaplano sa kanya ng manager na si Art Halili.
Ang Direk Idol na tinitingala ni Kenken ay si Direk Zig Dulay. At tinatanawan din niya ng malaking pasasalamat si Direk Louie Ignacio sa mga proyektong ibinigay nito sa kanya na laging napapansin ang kanyang pagganap.
“Isa po sa plano ni Papa Art sa akin eh, mag-host, gumawa ng commercials at magkaroon ng mala-‘Goin’ Bulilit’ na show. Kaya dasal po namin ni Mama at ng mga kapatid ko eh, magtuloy-tuloy na at mawala na ang pandemya.”
Para sa mga booking ni bagets please DM Fb page: Star A’s Academy Production Inc. Art Halili 09458559733 fb:art halilijremail:[email protected] lyka:arturohalilijr 2018.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo