Wednesday , November 20 2024

Gene Juanich, proud sa collab kay Michael Laygo sa single na Puso Ko’y Laan

KABANG-ABANG ang duet ng digital single nina Prince of PopRock na si Michael Laygo at singer/songwriter Gene Juanich titled Puso Ko’y Laan. Ito ay komposisyon mismo ni Gene. Ang nasabing kanta ay kabilang sa song track sa debut album ni Michael noong dekada 90, sa ilalim ng Alpha Music Corporation.

Wika ni Gene, “Proud po ako sa collab namin ni Michael dahil siya po ang unang artist na kumanta ng composition ko na Puso Ko’y Laan sa debut album niya noon. Ngayon sa revival, makaka-duet ko na ang original singer ng song ko, kaya super proud po talaga ako.”

Si Michael ay isang batikang mang-aawit na bahagi ng TV show noon na Aawitan Kita at ng Starbrighters under Boy C. de Guia. Siya ang pinakabatang musical director ng show. Siya rin ang kumanta ng movie themesongs na Gumapang Ka Sa LusakIbabaon Kita Sa LupaAng Lahat Ng Ito Pati Na Ang Langit, at iba pa. Siya ang nagpasikat ng Minahal Kita noong 1997 under Northern Sky Records na naging four times Platinum at ni-revive kalaunan ng Aegis at ni Mitoy Yonting. Si Michael ay nakabase na sa America at lead singer ng sikat na grupo sa Las Vegas na The Society of Seven.

Si Gene naman ay kilalang singer/songwriter sa Riyadh, Saudi Arabia.  Siya ang unang OFW singer na napasama bilang isang certified artist member ng Performers Rights Society of the Philippines. Siya rin ang kumanta at nag-compose ng Magkano Ba Ang Pangarap na official themesong ng unang indie movie sa Riyadh titled Visa Exit Re-entry. Siya rin ang kumanta at nag-compose ng Dahil Kapag Wala Ka na themesong ng indie movie sa Riyad, ang Hiram. Siya’y nakagawa na rin ng mga corporate jingles ng mga kilalang companies sa Saudi Arabia gaya ng Philippine Airlines (Saudi Arabia), Friendi Mobile at Fawri Money Transfer.

Ang Viva Records ay nag-release ng official soundtrack ng millennial movie noong 2018 na Spoken Words at dalawa sa soundtrack titled Bakit Di Ko Nakita at May Nanalo Na Besh ay parehong kinanta at kinompose ni Gene.

Malayo man sa isa’t isa, nananatili ang komunikasyon nila bilang magkaibigan. Si Michael ay nasa Las Vegas at si Gene ay nasa New York, dito nila naisip na i-revive ang Puso Ko’y Laan. Sa pagkakataong ito, sila mismo ang kakanta sa revival na mula sa areglo ng batikang musical arranger na si Adonis Tabanda.

Ang duet ng digital single na Puso Ko’y Laan ay ire-release na ngayong June sa lahat ng digital music stores worldwide, gaya ng iTunes, Spotify, Amazon, Deezer at GooglePlay at mapapanood naman ang lyric video ng kanta sa YouTube.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Sahara Bernales Maryang Palad

VMX star Sahara Bernales proud sa tatay na transgender

I-FLEXni Jun Nardo HINDI ipinagkakaila ng VMX sexy star na si Sahara Bernales ang pagiging IP (indigenous people) niya. …

Xian Gaza Ai Ai delas Alas

Payo ni Xian kay Ai Ai may halong panunudyo

HATAWANni Ed de Leon MAY halong panunudyo pa rin ang payo ng blogger na si Xian …

Mark Anthony Fernandez

Mark Anthony Fernandez inamin sex video na kumalat

HATAWANni Ed de Leon FINALLY, nagsalita na rin si Mark Anthony Fernandez tungkol sa kanyang kontrobersiyal na …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Dating male sexy star gustong hiwalayan asawang itinuring siyang boytoy

ni Ed de Leon MATINDI ang tsismis, gusto raw hiwalayan ng isang dating male sexy star ang …

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *