Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Romm Burlat, first time ididirek si Ms. Gina Pareño

FIRST time ididirek ng multi-awarded indie director/actor na si Romm Burlat ang premyadong aktres na si Ms. Gina Pareño. Ito’y sa pelikulang Minsa’y Isang Alitaptap na tinatampukan din nina Teresa Loyzaga at Ron Macapagal.

Ipinahayag ni Direk Romm na itinuturing niyang isang karangalan na maging bida sa kanyang pelikula ang aktres.

Wika ni Direk Romm, “Very excited ako sa project na ito. Malaking karangalan na maidirek si Tita Gina. Aniya pa, “This is my biggest film so far. Everyone dreams of directing Gina Pareño. And I am hoping this movie will give Teresa her first Best Actress award.”

Ang pelikula ay under ng new movie company na TTP ni Ms. Teresita Pambuan, in cooperation with ROMMantic Entertainment Productions

Ano ang role nila sa pelikula? Esplika ng prolific actor/director, “Ron plays a dual role. He is Darcel the lover of Teresa and Abner, the neglected son of Teresa. Teresa after a traumatic experience left her place and adopts children whom she considers her family. Gina Pareno is Teresa’s mom who has Alzheimers disease.”

Pahabol pa niya, “After this film, Ron will be elevated several notches. I hope with this movie, ma-notice na siya sa Star Awards, Urian, FAP and FAMAS. Actually, silang tatlo, I am sure na mapapansin silang tatlo sa movie na ito.”

Nagbigday si Direk Romm nang patikim ng kanyang movie.

Aniya, “Ang kuwento ng Minsa’y Isang Alitaptap ay tungkol kay Lucia (Teresa) at sa kanyang pagbalik sa lugar kung saan siya lumaki, kasama ang kanyang mga magulang. Sa kanyang pagbabalik, manunumbalik at muling mabubuksan ang mga alaala ng nakalipas na kanyang iniwan noong panahong kinailangan niyang itago sa dilim ang isang pangyayari na para sa kanya ay isang trahedya na nagpabago sa kanyang buhay. Tulad ng mga alitaptap na madalas ikuwento ng kanyang inang si Amelia (Gina), muling didingas at liliwanag ang mga alaalang kanyang tinakasan.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …