MAHIGIT 50,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang itinalaga ng pamahalaan para matiyak ang maayos na daloy ng national CoVid-19 vaccine rollout sa bansa.
Kasunod ito ng inaasahang pagbabakuna ng pamahalaan ngayong Hunyo sa 35.5 milyong manggagawa na nasa ilalim ng A4 category.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nasa 35,415 police personnel ang tutulong sa pagbibiyahe ng mga bakuna sa buong bansa, habang 13,840 ang tutulong sa pagtitiyak na mapapanatili ang health protocols, at magkakaloob ng seguridad sa inoculation activities.
Samantala, nasa 2,390 personnel at 356 emergency medical service units mula sa BFP ang itatalaga sa 1,150 warehouses at vaccination sites.
Nagpuwesto rin ang BFP ng 733 fire trucks at 59 ambulansiya para sa pangangailangan sa transportasyon sa pagbabakuna.
“Mass vaccination will be a big challenge to the government but with the help of our uniformed personnel, we aim to get as many of our countrymen and women vaccinated as efficiently and as soon as possible. This is the only way for us to put an end to this pandemic,” anang DILG Secretary.
Sinabi ng kalihim, ang uniformed personnel na may medical backgrounds ay itatalaga sa medical tasks sa mga vaccination sites sa buong bansa.
Kasabay nito, iniulat ng DILG na hanggang 24 Mayo, aabot sa 14,082 police medical workers ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng CoVid-19 jabs, at 8,416 ng mga naturang personnel ang fully vaccinated o nakatanggap na rin ng second dose.
Sa BFP, nasa 6,298 personnel ang tumanggap ng unang dose habang 2,298 ang nakatanggap na rin ng second dose. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …