Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lance Raymundo
Lance Raymundo

Lance Raymundo, nag-enjoy sa pagsabak sa comedy

FIRST time sumabak sa comedy ni Lance Raymundo at nag-enjoy nang husto ang actor-TV host-singer-composer.

Mapapanood na next month ang kanilang bagong TV series na pinamagatang Puto. Tampok dito sina Herbert Bautista, McCoy de Leon, Janno Gibbs, Gelli de Belen, Jao Mapa, at iba pa. Ito’y via TV5 at sa pamamahala ni Direk Raynier Brizuela.

Kamusta ang taping, hindi ba mahirap dahil lock-in ito?

Sagot ni Lance, “Of course, challenging… lalo na may mga scene kami sa rainforests at caves. Pero hindi mo mapapansin na mahirap kapag magagaan ang vibes at mababait ang mga kasama mo.

“Yes, lock-in taping kami and I’m proud to say na 100 percent masunurin kaming lahat sa mga protocols.”

Ito ba ang kanyang first sitcom? Lahad ni Lance, “Yes! First time kong mag-comedy. Di ba puro serious ang mga naging roles ko sa buong career ko as actor? Nagulat ako… hindi ko akalain may talent pala ako sa comedy!”

Dagdag pa niya, “Ang Puto ay isang fantasy/comedy/light feel good drama.”

Nag-adjust ba siya sa pagko-comedy dito?  “Actually akala ko talaga mag-a-adjust ako dahil nga never ako nag-comedy, pero noong nag-grind na yung camera, bigla na lang lumabas ng natural! I’m thankful sa Viva Artists Agency for enrolling me sa Advance Acting Workshop under Jonathan Oraño.”

Nabanggit din niyang nag-enjoy siya nang husto sa taping ng Puto. “Super enjoy!” Masayang sambit pa ni Lance.

Kung may offer ulit na comedy project, game ba siya? “Yes of course, lalo’t na-try ko na and nag-enjoy ako nang super. Iba siya eh, light lang at ibang klaseng experience sa akin ito,” pakli pa niya.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …