Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jhaiho Jolina Magdangal
Jhaiho Jolina Magdangal

Jhaiho naiyak nang makaeksena si Jolina

KASAMA si Jhaiho sa pelikulang Momshies, Ang Soul Mo’y Akin, mula sa Star Cinema na pinagbibidahan nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

Sa virtual presscon ng Momshies, Ang Soul Mo’y Akin, sinabi ni Jhaiho na malaki ang pasasalamat niya sa tatlong host ng Magandang Buhay dahil ang mga ito ang nag-suggest na isama siya sa pelikula.

“Unang-una sa lahat, sobrang malaki yung pasasalamat ko sa Star Cinema, sa ABS CBN Films, for trusting me na maging part nito. At siyempre sa tatlong mga mahal nating momshies because if not for momshie Jolens, momshie Karla, at momshie Melai, baka po siguro hindi ako napasama sa movie.

“Kasi ang balita ko po sinabi nila na gusto rin nila akong makasama sa pelikula. So noong nalaman ko ‘yun, nagpasalamat ako ng bonggang- bongga sa mga momshies,” sabi ni Jhaiho.

Idol ni Jhaiho si Jolina. Kaya naiyak siya nang makatrabaho niya ito.

“Sobra akong naluluha, kasi alam naman ng lahat, sinasabi ko sa mga past interviews ko, na super idol ko talaga eversince bata ako, si momshie Jolens. Dati, pumipila ako sa mall shows niya sa SM Bacoor. Pumupunta ako sa mga meet and greet niya, ganyan. Nagtatanong ako before sa sarili ko, bakit ganoon? Nagkaroon ako ng teleserye, may mga trabaho akong ginagawa, pero hindi ako nagkakaroon ng chance na maka-work si ate Jolens like sa akting talaga.

“Sa ‘Magandang Buhay,’ lagi naman nila akong isinasama sa mga episode nila. Noong nakuha ko itong project na ‘to, hindi ako makapaniwala na ‘yung first mainstream movie ko na ibinigay ng Panginoon ay si momshie Jolens agad ang nakasama ko. Sabi ko nga kay ate Jols, nangyayari  ba talaga ‘to?”

Mapapanood ang pelikula ng mga Momshies sa May 28 sa mga digital streaming platforms tulad ng KTX ph, iWant TFC, TFC IPTV, Sky Cable PPV, at Cignal PPV.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …