PARANG mali ang tono niyong kumakalat na sinabi raw ni Sharon Cuneta tungkol sa ABS-CBN. Sinabi niya kung ano ang mabuting nagawa ng ABS-CBN, pati na sa kanilang mga artista na kailangan ang back up ng isang malakas na network. Ang mali roon sa aming palagay ay iyong parang ipinakikiusap na sana ay bigyan silang muli ng panibagong franchise. Naiba ang tono, samantalang noong una na ipinaglalaban ng network ang sinasabi nilang karapatan nila sa isang legitimate franchise, ngayon parang humihingi na sila ng awa na mabuksang muli.
Parang wala rin sa ayos na ang gumagawa ng statement ngayon ay mga artistang kagaya ni Sharon at iba pa. Bakit hindi ang top officials ng ABS-CBN ang siyang lumantad at magsabing sila ay isang lehitimong media company at dapat na payagang makapag-broadcast?
Isa pa, sinasabi nilang milyon na ang audience nila sa internet, at napapanood naman sa Zoe TV at sa TV5, hindi pa ba sapat na audience iyon para sila ay makatayo at makalaban? Kailangan pa ba talagang humanap ng simpatiya at awa ang kanilang mga star?
HATAWAN
ni Ed de Leon