PATAY at may tama ng bala sa ulo nang matagpuan ang isang negosyante sa loob ng kanyang sasakyan sa Barangay Sto Niño, Quezon City, nitong Sabado ng gabi.
Sa ulat kay Quezon City Police District QCPD) Director, ang biktima ay kinilalang si Jose Alfredo Galvez Ong, Jr., 32, negosyante, residente sa No. 2062 Mindanao Ave., Sta. Mesa, Maynila.
Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) bandang 9:30 pm 22 May nang matagpuan ang bangkay ni Ong Jr., sa nakaparadang itim na Fortuner may plakang NAZ 7279 sa kanto ng Tomas Pinpin at Santol Sts., Brgy. Sto. Niño, Quezon City.
Batay sa pahayag kay P/MSgt. Julius Balbuena, ng saksing si Jeffrey Matias, tanod ng Barangay Sto. Niño, nakita niya ang Fortuner na naka-hazard mode at nang kanyang silipin sa bintana ay bumungad ang duguang katawan ng biktima.
Agad niyang inireport sa mga awtoridad ang natuklasan at doon ay nadiskubreng may isang tama ng bala sa ulo ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktima.
Iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa naganap na krimen upang makilala ang salarin. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …