Wednesday , November 20 2024

Hokus-pokus sa hiring at promotion?

BAGAMAT lumabas na, pero lubhang kaduda-duda ang resulta ng plantilla appointments para sa 100 Immigration Officers I na inihahanda sa kanilang initial orientation and training sa Ninoy Aquino International Airport.
 
Sa nakalap nating impormasyon, 50 porsiyento raw ng naturang appointments ay taliwas sa rekomendasyon at resulta ng deliberation sa BI Personnel Selection Board!
 
“Weh! Di nga?”
 
‘E para saan at dumaan pa sa deliberation ng PSB ‘yan kung hindi rin lang masusunod ang kanilang recommendation?
 
May nangyari bang hokus-pokus bago pa man i-transmit sa opisina ni DOJ Secretary Menardo Guevarra?
 
Sa totoo lang marami ang nagulat lalo na ‘yung mga nakaaalam sa galawan ng papel mula BI patungong DOJ.
 
Bago pa man daw i-transmit ang nasabing appointment papers ay kinakailangang dumaan muna sa OCOM para sa signature ni Commissioner Morente.
 
Kapag pirmado na at wala nang kulang sa requirements ay ready for transmittal na ito para pirmahan ni SOJ Guevarra.
 
So kung kompleto ang requirements na isinumite ng BI Personnel Section, si Atty. Canotu ‘este’ Cano ang tumatayong hepe noong mga panahong ‘yun, walang dahilan upang hindi ito i-approve ng office of the DOJ Secretary.
 
Bakit tumagal ito nang halos anim na buwan sa DOJ?
 
Ibig sabihin ba ay may nangyaring kapabayaan sa parte ng dating BI Personnel Chief?!
 
May mga requirements daw na ipina-comply ang DOJ sa BI Personnel Section upang mapadali ang proseso ngunit bakit hinayaan ni Cano na matulog ito sa pansitan?
 
Hindi kaya ito ay sinadya para i-delay ang proseso o baka naman may nangyaring switching of another appointments during the transmittal para pumasok ang mga gusto nilang ipasok?!
 
Which is which?
 
Sa totoo lang, napakaraming dapat ipaliwanag ang dating hepe ng BI Personnel Section sa kuwestiyonableng proseso.
 
Nasaan ang hustisya para sa mga aplikante na totoong deserving maging IOs?
 
For sure may ilan sa natanggap ay baka hindi pa pumasa sa qualifying exam na ibinigay ang Bureau.
 
Sabagay ‘kalakaran’ na ‘yan sa BI since time immemorial.
 
At sana’y hindi totoo ang info na nakarating sa atin, may isang personalidad diyan sa OCOM ang nakialam sa listahan ng hiring at promotion.
 
Magkano ‘este’ anong dahilan?
 
Well, kung sakali man na si Cano ay sinipa ni SOJ Guevarra, ‘yan ay dapat lang dahil sa ginawa niyang kapabayaan.
 
Imagine, gusto pa talagang makuha ang item ng Chief Personnel?!
 
Mahirap talaga pag hinog sa pilit!
 
Baka puwedeng nota-notaryo muna siguro para iwas-bulilyaso.
 
I rest my case your honor.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *