Sunday , December 22 2024

Grifton Medina is the acting BI personnel chief (The final answer)

SA HINAHABA-HABA ng laban o bawi ng Personnel Order ni Immigration Commissioner Jaime Morente, at kahit nagpalabas ng ‘ibang’ Personnel Order para italaga si Atty. Archimedes Cano (for the 3rd time) as Acting Personnel Chief of BI Personnel Section, heto at ‘to the rescue’ na ang ‘Solomonic wisdom’ ni Secretary of Justice Menardo “Mang Boy”Guevarra — biglang sumambulat ang isang Department Order No. 097 dated 17 May 2021 re-designating Grifton SP. Medina as Acting Chief of BI Personnel Section!
 
Kaboom!
 
It was moot and academic. Grifton Medina is the chosen one.
 
Animo’y B83 na 1.2 megaton bomb ang pinakawalang armas ni DOJ Secretary Guevarra na kahit pa ang kontrobersiyal na “Iron Dome” ng Israel ay mapupulbos kapag tinamaan.
 
Sa mga hindi po ‘ma-gets’ kung ano ang B83, ito po ang pinakamodernong ‘nuclear weapon’ ng Amerika sa ngayon.
 
Ang siste, ang pinakamapait na ‘utos’ sa naturang D.O., ang direktiba na bumalik sa kanyang ‘mother unit’ si Atty. Cano sa Port Operations Division (POD) dahil sa kanyang plantilla item na Immigration Officer II.
 
Kaboom na naman!
 
Doon lang naman tayo sa legal at tamang proseso. Noong nakaraang Linggo ay sinabi na natin na, “you cannot supersede a Department Order with a mere Personnel Order.”
 
Binanggit din natin na valid and existing pa ang last D.O. ni Medina dated 13 October 2020 so paano itong dededmahin?
 
Our sympathy goes with Commissioner Jaime Morente. Actually mabait at mabuting lider ang dating heneral.
 
His track record during his service in the country and in the Philippine National Police (PNP) was more than enough para pagkatiwalaan siya ng Presidente.
 
In fact, he is the only commissioner in the Bureau of Immigration na hindi pinapalitan sa kabila ng maraming nagagnap na iregularidad sa ahensiya kaugnay ng mga puwesto mula nang siya ay i-appoint ni Pangulong Digong.
 
Ganyan kalaki ang respeto at tiwala sa kanya ng Pangulo.
 
So, sino ang may problema pagdating sa legal matters na dapat ipatupad ng ahensiya?
 
‘Yung mga taong nasa paligid niya na dapat sana ay protektahan ang imahen at integridad ng BI.
 
E ang kaso, ikinakanal nila ang kanilang bossing dahil sa maling impormasyon at mga sumbong na nagdudulot ng gulo sa ahensiya.
 
“Vested interest” yata ang mabigat na dahilan!
 
“Tama kaya, Madam Carancho?!”
 
As for Senior IO Grifton SP. Medina, “Congratulations, Sir!”
 
You’re the Man!
 

CANO ABALA
SA SARILING
APPOINTMENT
SA DOJ?

 
ANG buong akala raw ng lahat ay isang Legal Officer sa BI si Atty. Archimedes Cano dahil siya ay abogado nga.
 
‘Yun pala Immigration Officer IO II ang kanyang item?
 
OMG!
 
So ano ang gagawin ni panyero sa airport?
 
Magtatak?
 
O kay saklap!
 
Sabagay kailangan talaga ng abogado sa airport lalo na kung may kinahaharap na legal issues sa isang pasahero.
 
‘Yun na nga ba ang sinasabi natin, may ilang personalidad diyan sa Bureau of Immigration (BI) Main Office na imbes pagandahin ang image ng ahensiya, lalo ni Comm. Bong Morente, ay ikinakanal pa nila ang kanilang bossing sa kanilang ginagawa.
 
Sumbong dito, sumbong doon na ang totoong kadahilanan ay pagkakaroon ng interes para makaporma.
 
We have nothing personal against Atty. Cano. Pero, ano ba ang notable accomplishment niya bilang Acting Personnel Chief sa mahigit anim na buwang nariyan siya?
 
May napalabas ba siyang ‘appointments’ mula sa DOJ sa hiring and promotion?
 
Kayo na po ang magsabi mga taga-BI.
 
Hindi man tayo konektado sa Bureau pero ‘lintik’ ang natatanggap nating hinaing mula sa mga empleyado na natutulog daw sa pansitan ang mga inaplayang posisyon.
 
May mga pangalan pa na nawawala sa listahan!?
 
Ewan natin kung totoo rin ang nasagap nating balita na madalas daw ang ‘simba’ ni panyero sa DOJ hindi para i-follow-up ang hiring ng 100 Immigration Officers, pati promotion ng Senior IOs. Kundi mas concern daw nito ang appointment niya sa inaplayang Admin Officer V or ang pagiging permanent Chief ng Personnel Section?
 
Kaya pala!
 
Halos nag-lapse na nga raw ang validity ng nasabing items at malapit na raw i-republish for another application.
 
Wattafak!
 
Kawawa naman ang mga taong umaasa na mabibigyan sila ng permanenteng trabaho sa gobyerno dahil lang sa pagiging inefficient o kapabayaan ng isang empleyado.
 
Tsk. Tsk. Tsk.
 
“Nasaan ang hustisya sa mahigit 100 aplikante?”
 
“Nganga na lang gano’n ba?”
 
Hindi tayo eksperto sa batas, pero we agree to the saying that ‘justice delayed is justice denied!’
 
Buti na lang at bago pa man magkawindang-windang ang applications for hiring ay nagpadala na ng kanyang trouble shooter o emisaryo si SOJ Guevarra sa katauhan ni Medina upang tuluyan nang matapos ang problema.
 
By the way, sa kanyang pagbabalik mula sa kanyang 6 months preventive suspension, bitbit na pabalik ni Personnel Chief Grifton Medina ang pirmado at approved plantilla appointments ng 100 Immigration Officers.
 
‘Yun naman pala!
 
So ano ang ibig sabihin nito?
 
Ano pa e ‘di si Grifton Medina lang ang SAKALAM!

HOKUS-POKUS
SA HIRING
AT PROMOTION?

BAGAMAT lumabas na, pero lubhang kaduda-duda ang resulta ng plantilla appointments para sa 100 Immigration Officers I na inihahanda sa kanilang initial orientation and training sa Ninoy Aquino International Airport.
 
Sa nakalap nating impormasyon, 50 porsiyento raw ng naturang appointments ay taliwas sa rekomendasyon at resulta ng deliberation sa BI Personnel Selection Board!
 
“Weh! Di nga?”
 
‘E para saan at dumaan pa sa deliberation ng PSB ‘yan kung hindi rin lang masusunod ang kanilang recommendation?
 
May nangyari bang hokus-pokus bago pa man i-transmit sa opisina ni DOJ Secretary Menardo Guevarra?
 
Sa totoo lang marami ang nagulat lalo na ‘yung mga nakaaalam sa galawan ng papel mula BI patungong DOJ.
 
Bago pa man daw i-transmit ang nasabing appointment papers ay kinakailangang dumaan muna sa OCOM para sa signature ni Commissioner Morente.
 
Kapag pirmado na at wala nang kulang sa requirements ay ready for transmittal na ito para pirmahan ni SOJ Guevarra.
 
So kung kompleto ang requirements na isinumite ng BI Personnel Section, si Atty. Canotu ‘este’ Cano ang tumatayong hepe noong mga panahong ‘yun, walang dahilan upang hindi ito i-approve ng office of the DOJ Secretary.
 
Bakit tumagal ito nang halos anim na buwan sa DOJ?
 
Ibig sabihin ba ay may nangyaring kapabayaan sa parte ng dating BI Personnel Chief?!
 
May mga requirements daw na ipina-comply ang DOJ sa BI Personnel Section upang mapadali ang proseso ngunit bakit hinayaan ni Cano na matulog ito sa pansitan?
 
Hindi kaya ito ay sinadya para i-delay ang proseso o baka naman may nangyaring switching of another appointments during the transmittal para pumasok ang mga gusto nilang ipasok?!
 
Which is which?
 
Sa totoo lang, napakaraming dapat ipaliwanag ang dating hepe ng BI Personnel Section sa kuwestiyonableng proseso.
 
Nasaan ang hustisya para sa mga aplikante na totoong deserving maging IOs?
 
For sure may ilan sa natanggap ay baka hindi pa pumasa sa qualifying exam na ibinigay ang Bureau.
 
Sabagay ‘kalakaran’ na ‘yan sa BI since time immemorial.
 
At sana’y hindi totoo ang info na nakarating sa atin, may isang personalidad diyan sa OCOM ang nakialam sa listahan ng hiring at promotion.
 
Magkano ‘este’ anong dahilan?
 
Well, kung sakali man na si Cano ay sinipa ni SOJ Guevarra, ‘yan ay dapat lang dahil sa ginawa niyang kapabayaan.
 
Imagine, gusto pa talagang makuha ang item ng Chief Personnel?!
 
Mahirap talaga pag hinog sa pilit!
 
Baka puwedeng nota-notaryo muna siguro para iwas-bulilyaso.
 
I rest my case your honor.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *