DINAKIP ang 10 drug suspects, kabilang ang isang Grab driver sa isang buy bust operation matapos makompiskahan ng tinatayang 2.1 kilo ng shabu at ecstasy tablets sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City, nitong Linggo ng tanghali.
Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, nadakip sina Eugene Paul Bernardo, 30, Grab rider; Arvin Jay Correa, 28, dog breeder; Mark Ramirez, 33, motor shop owner; Justine Venancio, 20, jobless; at Carina Trinidad, 37, housemaid, pawang taga-Sampaloc, Maynila.
Sina Alexander Almeda, 19, jobless, ng Banawe Avenue; at Franselle Nono, 35, cosmetic artist, ng Brgy. Tandang Sora kapwa sa Quezon City.
At Mannie Bacalangco, 47, online seller, ng Brgy. Rizal; April Batac, 36, jobless, ng Carmona; at Stephanie Centino, 44, sales manager ng Brgy. Olympia, pawang sa Makati City.
Sa report, dakong 12:15 pm nitong 23 Mayo nang magkasa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-National Capital Region (NCR), Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station 3 at iba pang law enforcement agency sa Block 1, Lot 23, Villa Rebecca Homes, Brgy. Tandang Sora matapos makatanggap ng tip hinggil sa kanilang ilegal na aktibidad.
Agad inaresto ang mga suspek matapos magpositibo ang transaksiyon at nakompiska ang tinatayang 2.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P14.28 milyon; 5 pirasong ecstacy tablets at mga drug paraphernalia.
Ang mga suspek ay pawang nakapiit na at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …