POSITIBO sa CoVid-19 ang 54 residenteng dumalo sa pool party sa Barangay Nagkaisang Nayon, Quezon City noong 9-11 Mayo.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nalaman nila ang isinagawang pool party nang may magpositibo sa CoVid-19 noong 11 Mayo kaya agad pinadalhan ng show cause order ang barangay chairman ng Nagkaisang Nayon dahil sa insidente.
“Ang tanong po is ito (pool party) po ba ay may permiso ng punong barangay o hindi niya alam?” Hindi ko pa nakakausap (barangay chairman) pero ayon sa kuwento ng mga in-interview ng contact tracers ang firetruck ng barangay ang naglagay ng tubig doon sa improvised swimming pool at ang inuman ay naganap sa covered court,” ani Belmonte.
“Sa pagko-conduct nila ng interviews sa taongbayan, saka pa lang nila nalaman na nagkaroon pala ng 3-day fiesta celebration from May 9 to May 11. Nagkaroon ng improvised pool party. May disco(han), may sayawan, may inuman, may videoke. Kompleto po at walang nagsusuot ng masks,” ayon kay Belmonte sa isang panayam.
Aniya, maraming nalabag na health protocols ang nasbaing aktibidad dahil kitang-kita sa isang nakuhang video na nagsasayawan at nagkukumpulan ang mga residente nang walang suot na facemask at face shield.
“Lahat ng mga mapapatunayang lumabag sa ating guidelines at mga ordinansa lalo ‘yung mga nagkukumpulan at nag-iinuman o nagka-karaoke ay iisyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) at maaaring makasuhan sa ilalim ng RA 11332. Kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat at paghihigpit dahil nananatili pa rin ang peligrong hatid ng CoVid-19 sa paligid,” ayon sa alkalde.
Batay sa report ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), umabot sa 610 residente ang sumailalim sa swab test habang 18 ang naghihintay ng resulta at 31 ang dinala sa HOPE facilities ng lungsod.
Isinalalim na rin sa estriktong lockdown ng QC LGU ang barangay sa loob ng 14 araw.
“We encourage the public to take photos and videos whenever possible and report to us by calling our Hotline 122. We assure them that we will take swift action as this is a matter of protecting the health and safety of the whole city,” hikayat ng QC Mayor. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …