Sunday , December 22 2024

Josephine Navarro, proud sa produkto niyang Osie Coffee

SA panahon ng pandemic, naging realistic at mas nag-focus si Josephine Navarro sa kanyang mga negosyo. Si Josephine ay isang talent manager, host ng online show, businesswoman, at chairwoman ng Inding-Indie Film Festival.

Ayon kay Josephine, sumabak din siya sa pag-arte noon. “2009-2010 pa-extra extra as talent. Nag-try, curious lang, hanggang later ay nakilala ko sina direk Ryan Favis, direk Ron Sapinoso at iba pang director. Nag-start ako as talent manager noong 2015, then nakapag-produce ako ng indie film last 2019.”

Kuwento pa niya, “Dati, nagkaroon ako ng show sa EuroTV, ngayon mapapanood kami sa Kakampi Live, bale sa FB Live po iyan. Nag-stop lang po ako now kasi medyo busy, pero by July ay babalik na kami. Ang show ko ay Osie Showbizness, once a week ito at co-host ko rito sina Fernando Jose and Marissa Custodio.”

Nakatutok daw siya sa business niya ngayon, partikular sa kanyang Osie Coffee.

Aniya, “Mas focus ako ngayon sa business ko, like sa real estate, my Osie Coffee, supervising yung construction, at online selling. Ako na rin po ang endorser ng Osie Coffee, binibigyan ko na lang iyong mga artista para matikman nila. Katulad nina Pilar Pilapil, Ma. Isabel Lopez, Imelda Papin, Beverly Salviejo, at marami pang iba.”

Ano ang reaction nila sa kanyang kape? “Nasasarapan sila, then nagre-request uli, hehehe,” nakatawang lahad niya.

Pagmamalaki pa ni Ms. Josephine sa kanilang kape, “Marami na kaming nakuhang awards, like itong Best Brand of the Year 2019 na ang nag-award ay BEST Social Award at Best Herbal Health Coffee from 39th People’s Choice Award and Dangal ng Bayan Award.”

Nabanggit din niya na mabuti sa katawan ang kanilang produkto. “Ito’y with malunggay, guyabano, stevia, plus collagen na anti-aging po. Tumutulong siya para sa may highblood. Sa diabetic, puwede siya dahil stevia ginamit, pamalit ng sugar. Mataas ang vitamin level nito dahil sa malunggay at full of vitamin-C dahil sa guyabano.

“Plus, pampabata dahil sa collagen at nakakatulong siya sa mga may goiter or bukol na lumiit, and sa may mga arthritis din. Although hindi siya gamot, pero makakatulong itong Osie coffee.”

Pahabol pa ni Ms. Josephine, “Sa mga gustong bumili ng aming produkto, direct po sa akin, puwede silang magpunta sa Vista Verde, Caloocan, Lot 28 blk 9, Charlston St. o tumawag sa CP no. 09484894846.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *