Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jillian Ward, excited na sa Book-2 ng Prima Donnas

NAGHAHANDA na ang magandang teen star na si Jillian Ward sa gagawing Book-2 ng Prima Donnas.

Kinamusta at inusisa namin si Jillian thru FB kung ano ang nararamdaman niya na nagkaroon ng Book 2 ang kanilang top rating TV series sa GMA-7?

Masayang tugon niya, “Ito po, nasa bahay lang po ngayon, naghahanda po para sa Prima Donnas Book-two. Two months na lang po at magte-taping na kami. Kaya po excited na rin ako.”

Dagdag pa ni Jillian, “Sobrang natutuwa po ako dahil nga isa po siyang proof na marami po kaming napapasaya, at marami talagang nakatutok po sa show namin.

“Sobrang worth it po iyong pagod namin, lalo na po noong nag-lock-in taping kami.”

May pagbabago ba sa cast at sa twist ng istorya sa Book 2? Esplika ni Jillian, “Mayroon po! Sa pagkakaalam ko po, may mga papasok po na new characters and siyempre, iba na po ang plot sa Book-2.”

Hinggil naman sa role niya, kung may pagbabago ito ay wala pa raw siyang idea. “Hindi ko pa po kasi nababasa yung script, since wala pa po. Ang alam ko lang po is may new characters and iba na rin po ang takbo ng story,” pakli pa ni Jillian.

Matatandaang ang Prima Donnas na tinampukan nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Miggs Cuaderno, Jillian at iba pa, ay humataw nang husto sa ratings. Ito ay nag-break ng records at nakapagtala ng pinakamataas na ratings sa daytime shows of all time, sa Filipinas.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …