Mula sa Blank Pages Productions, tampok dito si Alan Paule at introducing si Francis na gaganap bilang Joey. Kasama rin sa movie sina Rash Jusen, Ernie Garcia, at Isadora.
Panimulang kuwento ni Francis, “Actually po, nalaman ko po na natanggap ko yung project ay December 13, 2020. So meaning, birthday ko po iyon, kaya for me, Nang Dumating Si Joey is really a blessing.”
Dagdag pa niya, “Of course, masaya. Siyempre makakatrabaho ko ang mga beteranong aktor like Mr. Alan Paule and Mr. Ernie Garcia. Siyempre si Direk Arlyn din. Sobrang priceless po niyon para sa akin.
“Iyon ang saya na tipong walang katumbas. Siyempre alam naman po natin yung mga nangyari noong 2020. Ang daming nangyari na ‘di maganda at pagsubok. Kumbaga yung NDSJ project ang nagpalit ng kasiyahan po sa akin,” masayang esplika pa niya.
Ano ang masasabi niya kina Direk Arlyn at Alan?
Wika ng newbie actor, “Kay direk ang masasabi ko lang, nakaka-good vibe siya. Ang sarap katrabaho. Naalala ko sa kanya ang lola and mommy ko. Maka-lola and maka-mommy po kasi ako.
“Kaya everytime wala talagang ginagawa sa shoot, gusto ko lang makipag kuwentuhan at makipagkulitan sa kanya. Ang dali kasi mapatawa ni direk, kahit corny po minsan jokes ko, hahaha! Ang bilis din ng utak ni direk, super-creative.
“Kay Tito Alan naman, napakagaling na aktor at napaka-professional. Literal na beterano na sa industriya si tito Alan. Napakagaling talaga niya.”
Ayon kay Direk Arlyn, ang pelikula ay LGBTQ ang tema at istorya ito ng acceptance, forgiveness, self discovery, at love.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio