Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martin at Sophia, pang-warm-up ng NCAA

ANG sportscaster at host na si Martin Javier at ang Ms. Multinational 2017 na si Sophia Senoron ang hosts ng Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96—ang primer ng nasabing liga na mapapanood sa GTV araw-araw simula sa Linggo (May 23).

Familiar face na sa Philippine sportscasting si Martin habang sigurado namang makare-relate ang mga sports fan kay Sophia. Excited na nga ang dalawa sa sports program na magsisilbing warm-up na rin sa viewers bago ang official start ng NCAA Season 96.

“Napakagaandang liga nito, napakaraming magagaling na players na nanggaling dito. Ako ay natutuwa na narito rin ako sa bagong tahanan ng NCAA,” share ni Martin sa interview nila ni Sophia sa 24 Oras.

“It’s really close to home. It’s really close to my heart and I’m so grateful to be given this opportunity [to host],” saad naman ni Sophia na graduate ng San Beda University na isa sa mga participating schools ng liga.

Mapapanood ang Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96 simula Linggo 5:05 p.m.; 4:30 p.m. naman tuwing Sabado; at 2:45 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes sa GTV. Sa mga Kapuso abroad, mapapanood ito via GMA Pinoy TV at GMA News TV.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …