Allen Dizon, excited nang makatrabaho sina Direk Joel at Direk Laurice sa Abe-Nida
TULOY na ang shooting ng pelikulang Abe-Nida. Ito ang katuparan ng passion project at bagong obra ni Direk Louie Ignacio. Ito’y mula sa istorya ni Direk Louie mismo at sa script ni Direk Ralston Jover.
Tampok dito ang award-winning actor na si Allen Dizon, ang Kapuso actress na si Katrina Halili, ang mga premyadong actor/direktor na sina Joel Lamangan at Laurice Guillen, Maureen Mauricio, Vince Rillon, Leandro Baldemor, at ang Pola, Oriental Mindoro mayor na si Ina Alegre.
Ang Abe-Nida ang hudyat sa pagbabalik ng BG Productions International ni Ms. Baby Go sa pagagawa ng pelikula na natigil dahil sa pandemic at dahil nagkasakit ang kanyang mister.
Gaganap dito si Allen bilang eskultor na may sayad sa utak. Ito ang pinaka-daring na pelikula niya sa 22 years ng kanyang showbiz career.
Nang nakita niya ang script, ano ang kanyang naging reaction?
Tugon ni Allen, “Ah… siguro dahil matured na rin tayo ‘no, hindi na rin tayo mga bata, siguro nakikita kong kaya kong gawin yun. Saka yung character kasi ni Abe, may tama sa utak… so talagang kaya niyang gawin yun eh.
“And yun nga, sabi ko kanina, kapag daw artist ka, kapag nag-uukit ka, sculpture ka, talagang para ka raw nakikipag sex, iyon yung feel mo.”
Pahabol pa niya, “So, talagang dapat hinahawakan mo, yung hagod mo, yung hawak mo sa lahat, so talagang dapat yung may sensation ka talagang nararamdaman at kailangan kong ma-feel iyon talaga.”
Ready na ba siyang maka-eksena sina Direk Joel at Direk Laurice?
Saad ni Allen, “Oo, excited ako sa kanila, kasi parang sila yung laging nasa director’s chair eh, pero ngayon sila naman yung nasa harap ng camera. So, nakaka-excite iyon talaga.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio