Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd Cruz at Paolo Contis, planong dalawin si veteran actress Caridad Sanchez

Natutuwa si Paolo Contis dahil nagka-communicate na naman sa kanya ang kaibigan niyang si John Lloyd Cruz lately.
 
Nang magpahinga si Lloydie sa pag-aartista, natigil rin pansamantala ang communication sa pagitan nila ni Paolo.
 
Dahil balik-aktibo nga sa pag-aartista si Lloydie, nagkakatawagan at nagpapalitan na naman sila ng mensahe sa Viber.
 
Na-mention raw ni Lloydie ang pagpapa-manage niya sa talent management company ni Maja Salvador, ang Crown Artist Management (CAM).
 
Approve naman kay Paolo dahil tama raw talagang meron namang mag-aalaga sa career ng kaibigan.
Dapat raw ay nag-meet na silang dalawa pero hindi nga magtagpo ang kanilang schedule.
 
Gusto sana ni Paolo ay mag-meet sila ni John Lloyd bago siya magtaping ng I Left My Heart in Sorsogon kung saan kasama niya sina Heart Evangelista at Richard Yap.
 
Balak sana nilang dalawin si Tita Caridad Sanchez na parehong close sa kanilang dalawa, ang kaso, nabalik lang daw tayo sa ECQ kaya na-postpone na naman.
 
“Sana matuloy na kami next week,” ventured Paolo.
 
Nagkasama nina Paolo at John Lloyd si Tita Caridad sa kanilang dating youth-oriented dramang Tabing Ilog under ABS CBN.
 
Kay Tita Caridad pa rin, kay tamis ng kanyang ngiti nang matanggap ang tropeo niya bilang isa sa Icons awardees ng 4th Eddys.
 

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …