Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tonz Are endorser ng Zuob Magnezium, bida sa Kid Kamao

MAY bagong pelikula at endorsement ang versatile na indie actor na si Tonz Are.

Siya ang bida sa movie na Kid Kamao, mayroon din siyang bagong BL series.

Masayang kuwento ni Tonz, “Ang Kid Kamao po ang new movie ko, ako ang bida po rito. Kuwento po ito ng isang boxer na puno ng pangarap para sa kanyang pamilya at sa kasintahan niyang bulag.

“Kasama sa casts sina Maridel Pacleb, Glenn Darakan, Arthus Aboleda, Jay Melo, sa direksiyon ni Nel Talavera.”

Dagdag niya, “May new BL series din po ako, ang title ay My Furry Love at under Acquired Production po ito, directed by Jodi Garcia.

“I play the role of Vanjo, tito ako ni Gunner dito na ginampanan ni Enzo Santiago. Kasama rin dito si Khaleb Ong and ‘yung sa PBB Teens 7th edition na si Kristine Hammon. Mapapanood na ito this coming June sa YouTube, bale 10 episodes po ito at kaabang-abang talaga.”

Nabanggit din ni Tonz kung paano siya naghanda sa Kid Kamao.

Aniya, “Sa Kid Kamao po, talagang nag-training ako, jogging… tapos nag-boxing, mayroon po akong trainer dito, my stunts po kasi ako sa pelikula. Si kuya Arthus Arboleda po ang trainer ko rito, black belter siya.”

Nagkuwento rin siya sa bagong endorsement na Zuob Magnezium na swak sa mga mahilig mag-suob.

“Ang Zuob Magnezium po ay gawa rito sa ‘Pinas ng Magnezium Philippines po, ako po ang celebrity endorser nila. Mag-spray lang ng 15 times nito, gamit ang batya, towel, mainit na tubig… Ang Magnezium, my testimony po siya, napakabisa po talaga and maganda ito bilang theraphy,” wika pa ni Tonz.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …