Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pantene Palanca active sa pagbebenta ng mamahaling sasakyan

REMEMBER the name Pantene Palanca? No!

Kasi, sumikat siya kasama ang iba pang sexy talents na gaya niya bilang isang grupo. At nakilala talaga ang grupo nila hanggang naging kontrobersiyal pa.

Singer at dancer si Pantene ng grupong Baywalk Bodies ni Lito de Guzman. Nagkaroon din sila ng album. At dumating sa puntong kaliwa’t kanan ang mga proyekto.

Fast forward sa panahon ng pandemya. Nganga lahat.

Si Pantene, nakahanap naman ng pwede niyang pagkakitaan. Sa rami na rin kasi ng pinagdaanang challenges sa buhay, aminado naman siya na kailangan niyang tanggapin na sa pinasok niyang mundo, hindi ito sigurado.

Hindi nakagugulat na personal na tumatawag si Pantene sa kanyang mga kaibigan at kakilala sa panahong ito. Halos lahat naman may ibinibenta.

Sa kanya, hindi pagkain, hindi mga pampaganda, hindi mga gamit na personal o para sa bahay. Ano? Sasakyan!

Sa kompanyang pinasukan niya, ang ibinebenta ng kanilang kompanya ay ang Mini Cooper. At may iba pang mga mamahaling brand na on sale rin.

“Kailangang mabuhay. Wala ring travels pa abroad para mag-show.”

Madalas noon na mag-tour sa Japan si Pantene. Pati na sa Dubai. Pero ngayon nga, kailangan pa rin niyang mag-ipon.

Kaya kahit pa may mga hindi na magagandang nangyari noon sa buhay niya, na naging kontrobersiyal din, naging biktima ng mga nanloko, taas-noo pa rin ang Pantene na maganda pa rin na magsikap sa panahon ng pandemya.

Kung may kakilala kayo na mangangailangan ng sasakyan sa panahon ngayon sa bagsak presyong halaga, bisitahin ang kanyang FB page. Roon makikita ang kanilang showroom sa sari-saring klase ng mga sasakyan.

Mananatiling nagbibigay ng magagandang alala kay Pantene at mga kasama ang Baywalk.

They could ride into the sunset with their new cars!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …