Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serye ni Pauline babu na

SA Biyernes, May 21 ay finale episode na ng Babawiin Ko Ang Lahat, ang GMA Afternoon Prime series na tampok sina Pauline MendozaLiezel Lopez, Dave Bornea, at sina Carmina VillarroelJohn Estrada, Therese Malvar, Kristoffer Martin, Tanya Garcia at marami pang iba.

Tinanong namin si Pauline kung ano ang gusto niyang susunod na role o proyekto na ibigay sa kanya ng GMA.

“Hindi naman po ako namimili, pero siyempre I have a dream role na gusto ko ring ma-experience which is action.

“Horror, kasi parang naging horror na ‘yung ‘Kambal Karibal’ pero kung horror puwede rin naman. Actually, comedy, ganyan, but whatever projects na ibibigay nila sa akin siyempre I would love to accept and do the role.”

Ang Babawiin Ko Ang Lahat ay idinirehe ni Jules Katanyag.

Maganda ang career, pinagpala rin ang lovelife ni Pauline. Boyfriend niya ang guwapong mayor ng Alaminos City sa Pangasinan, si Mayor Arth Bryan Celeste.

Bukod sa guwapo at macho ang pangangatawan, si Mayor Bryan ang pinakabatang mayor sa buong bansa, oo, sa buong Pilipinas!

“Of course nakaka-proud,” bulalas ni Pauline. ”Kasi siyempre talagang knowing Bryan, he’s really hardworking talaga and talagang mahal siya rito sa Alaminos.

“Sa totoo lang, priority niya talaga ang mga kababayan niya sa Alaminos so, kita ko ‘yung dedikasyon niya as a public servant.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …