Wednesday , November 20 2024

Pelikulang Dito at Doon extended, mga dapat abangan sa TBA Studios ibinandera

THANKFUL ang bumubuo ng pelikulang Dito at Doon (Here and There) sa matagumpay na digital release ng must-watch movie of the year na hatid ng TBA Studios.

Ito ang ipinahayag ng mga bida ritong sina Janine Gutierrez at JC Santos sa ginanap na virtual thanksgiving para sa tagumpay ng nasabing pelikula.

Wika ni JC, “I’d just like to say that I’m truly grateful for TBA na since day one na pumasok kami sa set, hanggang ngayon, wala kayong ginawa kundi alagaan at pagkatiwalaan kami. Ang lahat ng tao sa produksiyong ito, as in, gusto ko nang magpaampon levels, as in kunin n’yo na po ako, hahaha!

“I always believe na parang you can never go wrong doing the right thing. And sobrang rare din naman ng mga ganitong prod house/company na kapag kasama mo sila, nakikita mo at nararamdaman mo na you know, that they are really doing the right thing.”

Aniya pa, “To think na binuo namin itong pelikulang ito sa gitna ng pandemya at maayos ang kinalabasan ng lahat. Kaya iyon, ang gaganda lagi ng mga produkto nila. So maraming-maraming salamat at gusto ko sana na makatrabaho ko pa kayo ulit. Lagi akong available for you guys.”

Masayang nabanggit ni Janine ang wish na muling makapagtrabaho sa TBA Studios.

Lahad ng aktres, “Ako rin po, sana po makagawa pa ulit sa TBA Studios, sobra po talaga kaming nag-enjoy ni JC and I honestly always have wanted to work with TBA talaga. As in, palagi akong nanonood ng pelikula sa Cinema 76, eversince.”

Patuloy ni Janine, “So to be able to do like a TBA film and for it to be this story Dito at Doon with Direk JP and JC and everyone from TBA, lalo na nang naramdaman namin ang suporta ng press, lahat po ng reactions n’yo at write up n’yo tungkol sa pelikula namin, sobra-sobrang punong-puno po ang puso ko ng pasasalamat. So, thank you so much and we’re so happy na talagang sinamahan n’yo kami sa journey na ito.”

Ang Dito at Doon ay nakatanggap ng magandang reviews sa mga kritiko at sa publiko mula ng domestic online release nito noong March 31, at pinuri ang galing dito nina Janine at JC.  Ang pelikula ay mula sa pamamahala ni Direk JP Habac at tampok din dito sina Yesh Burce, Victor Anastacio, Lotlot de Leon, at iba pa.

Ngayong buwan, ang pelikula ay naging available sa higit 60 countries, kabilang ang USA, Canada, at piling bansa sa Middle East at North Africa via TBA Play.  Ang TBA Play ay nakipagsosyo sa international distribution and sales company, TVCO upang dalhin ang TBA Play contents sa merkado sa Europe.

Ang Dito at Doon ay mayroong extended run sa KTX, Cinema ’76 @Home, iWantTFC, Ticket2Me, at Upstream. Para sa international audiences, “Dito at Doon” (“Here and There”) ay exclusive sa TBA Play para sa limitadong time sa USA, Canada, at piling territories sa Europe, Middle East, at North Africa.

Para sa full list ng countries at updates on availability sa ibang regions, follow tba.ph and follow https://www.facebook.com/tbaplaymovies.

Ibinahagi rin ng TBA Studios ang mga dapat abangan sa kanila. Isa na rito ang pelikulang Quezon, na final installment ng historical trilogy ni Direk Jerrold Tarog. Magsisimula ang pre-production nito sa June na si Direk Tarog pa rin ang mamamahala sa inaabangang biopic.

Samantala, sina Direk JP at Direk Crisanto Aquino ng Write About Love ay naghahanda na rin sa kanilang respective follow-up projects sa TBA Studios. Ang Hollywood action comedy The Comeback Trail top-billed nina Robert de Niro at Morgan Freeman will also be released soon.

Ang international viewers ay mag-e-enjoy din sa bagong award-winning titles via TBA Play kabilang ang crime drama na Boundary, na tampok sina Ronnie Lazaro at Raymond Bagatsing and directed by Benito Bautista, ang documentary na A is for Agustin ni Grace Simbulan, at ang short films na Life Is What You Make It ni Jhett Tolentino, The Interpreter by Benito Bautista, at Angelito ni Jerrold Tarog.

Ang TBA Studios domestic digital platform na Cinema ‘76 @ Home ay nakatakdang i-release ang foreign titles tulad ng dark comedy na Devil Has A Name at award-winning arthouse film na Show Me What You Got. Ang Cinema ‘76 ay ila-launch din ang kanilang café sa Anonas, Quezon City, na conveniently located right next to Cinema ’76 microcinema. Ang Cinema ’76 Café ay magbubukas very soon para sa delivery with the upcoming e-commerce launch ng kanilang appetizing selection ng drinks at snacks.

Abangan din ang TBA Studios’ YouTube channel sa bagong seryeng Sing Out Loud na magtatampok sa indie OPM artists.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Sahara Bernales Maryang Palad

VMX star Sahara Bernales proud sa tatay na transgender

I-FLEXni Jun Nardo HINDI ipinagkakaila ng VMX sexy star na si Sahara Bernales ang pagiging IP (indigenous people) niya. …

Xian Gaza Ai Ai delas Alas

Payo ni Xian kay Ai Ai may halong panunudyo

HATAWANni Ed de Leon MAY halong panunudyo pa rin ang payo ng blogger na si Xian …

Mark Anthony Fernandez

Mark Anthony Fernandez inamin sex video na kumalat

HATAWANni Ed de Leon FINALLY, nagsalita na rin si Mark Anthony Fernandez tungkol sa kanyang kontrobersiyal na …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Dating male sexy star gustong hiwalayan asawang itinuring siyang boytoy

ni Ed de Leon MATINDI ang tsismis, gusto raw hiwalayan ng isang dating male sexy star ang …

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *