Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Laban o bawi sa P.O. ni Grifton Medina (SoJ department order tablado kay Morente!?)

NITONG nakaraang Biyernes, 14 Mayo, naglabas ng Personnel Order No. JHM-2021-136 ang opisina ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na nagre-reinstate kay Senior Immigration Officer Grifton SP. Medina bilang Acting Chief of Personnel Section pursuant to Department Order No. 247 dated 13 October 2020.
 
Nangyari ang reinstatement base sa pagtatapos ng six-month preventive suspension na naipataw kay Medina bunsod ng desisyon ng Office of the Ombudsman (OMB-CA-20-166) tungkol sa kasong isinampa laban sa kanila, kabilang ang 44 na iba pang Immigration Officers na nasangkot sa ‘pastillas’ scandal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
 
Sa naturang reinstatement ay marami ang natuwa at nagbunyi sa panig ng mga empleyado ng BI na kinikilalang karapat-dapat si Grifton Medina bilang hepe ng BI Personnel Section.
 
Si Medina kasi ay ‘very approachable and understanding’ when it comes to his peers and subordinates. Wala raw masamang tinapay sa taong ito basta dumulog sa kanyang opisina.
 
Ang background niya sa Human Resource Development ang isang malaking advantage sa kanyang ‘good rapport’ sa mga empleyado.
 
Hindi gaya ng ibang hepe sa ilang dibisyon o section ng BI na may ere sa ulo at mahirap kausapin o lapitan.
 
Ngunit hindi pa man natatapos ang naturang araw na napirmahan ni Morente ang P.O. ni Medina ay heto at may panibagong Personnel Order na naman na lumabas galing sa BI-OCOM.
 
Ang P.O. NO. JHM-2021-138 dated 14 May 2021 ay nagsasaad na relieved sa kanyang pagiging Acting Chief ng Personnel Section si Medina at ngayon ang kanyang reassignment sa Administrative Division under Admin Chief, Mary Ann Caranto?!
WTF!
 
Anyare!?
 
Ano ito, panibagong laban o bawi sa BI?
 
Sa totoo lang nagiging masamang bisyo na ang ganitong sistema sa ahensiya na sa loob ng isang araw ay nagdodoble ang pirma ng Komisyoner tungkol sa designation ng isang empleyado.
 
Only in the Bureau of Immigration!
 
Ang tanong: Alam kaya ni Commissioner Morente na ikinakanal siya ng ilang personalidad sa paligid niya?
 
Malinaw naman na hindi pa nase-set-aside ang Department Order No. 247 dated 13 October 2020, nakasaad na si Grifton SP. Medina ang itinalaga ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra bilang kapalit ni Atty. Archimedes Cano, na ibinabalik sa kanyang mother unit sa Legal Division.
 
Hindi kaya parang nabastos ang direktiba ni SOJ Guevarra?
 
Kung daraanin sa legal na usapan, hindi puwedeng i-supersede ng P.O. ng Commissioner ang isang D.O. na pirmado ng Justice Secretary.
 
Kaninong mahiwagang kamay ang nagmaniobra ng panibagong P.O. ni Grifton Medina?
 
Ang kapwa panyero kaya ni Cano na kasangga niya sa OCOM o ang isang kilalang power tripper official sa BI main office na may lihim na inggit at ngitngit sa dating Personnel Chief?
 
Sino sa palagay ninyo?
 
Wala tayong kinakampihan sa dalawa, kay Atty. Cano man o kay Sr. IO Grifton Medina.
 
Kahit sino naman sa kanila ay parehong kalipikado at may kakayahang umupo at magpatakbo ng BI Personnel Section.
 
Ang atin lang, lumagay lang sa ‘legal’ at tamang proseso.
 
Kahit ang Civil Service Commission (CSC) nga ay nagsasabi na ang isang empleyado na may kaso ay puwede pa rin na ma-promote o umangat ng posisyon sa kanyang ahensiyang pinaglilingkuran.
 
So anong dahilan at biglang inetsa-puwera si Sir Grifton Medina?!
 
Inaasahan natin, sa mga susunod na araw ay maiwawasto ang maling sistemang ito sa BI.
 
It’s now in your hands, Commissioner Morente!
 
Hindi hugas kamay!
 
 
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
 
 
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *