Wednesday , November 20 2024

JC Santos lilipad ng Qatar para sa isang docu-drama movie

SOBRANG na-challenge si JC Santos sa bagong pelikulang gagawin niya sa Advocacy Global Studio kaya naman tinanggap niya ito bukod sa bago sa kanya ang tema ng pelikula na mala-documentary-drama.

Kilala si JC sa pagiging versatile actor kaya naman anuman ang tema ng pelikula o TV series, o anumang role ang gampanan niya, tiyak na aangat ang galing niya.

Ani JC sa isinagawang virtual media conference, excited siya sa bagong pelikula.

I’m excited because I’ve never done something like this. It’s gonna be super challenging, I think.

“When I read the script, it was different. Parang I didn’t know what to make out of it. Sa isang eksena nakakita ako ng isang scene a ok, magpapakita tayo ng mga footages from the actual shows. So ok, parang documentary-drama.

“Then I realized it’s something like the movie, for me, it’s like parang ‘Argo’ ‘yung movie of Ben Affleck. Kung ano ang nangyayari sa labas, the story is me behind the scene kung ano ang mga politics inside and the friendships, the journey of the characters, those little chaos na nangyayari.

“Sinusundan ng character ko ‘yung kuwento because I’m going to narrate it. I’m part of the events kung paano sila nag-oorganize noong time iyon,” mahabang paliwanag ni JC.

At kahit pandemic, dagsa ang offer kay JC. Isa na nga itong The Eventologist na in-offer sa kanya ng isang Filipino filmmaker na nakabase sa Qatar. Bale gagampanan niya ang isang OFW na isang event organizer.

Naiiba ang The Eventologist sa mga nagawa niyang Dito at Doon100 Tula Para Kay Stella, Miracle in Cell No. 7,  The Day After Valentine’s at marami pang iba.  Hindi natanggihan ni JC ang The Eventologist lalo’t alam niya ang hirap ng pagiging isang Overseas Filipino Workers na naranasan niya noon bago pa man siya naging artista gayundin ng mga magulang niya. Pareho kasi ng parents ni JC ay OFW ganoon din siya bilang isang singer-dancer.

Sabi nga ni JC, “Familiar ako sa kuwento ng mga OFW. Nagtrabaho sa Las Vegas ang nanay ko. Seaman naman ang tatay ko. Ipinagpatuloy ko ‘yung pagiging OFW nila noong nagtrabaho ako sa Hong Kong Disneyland at Universal Studios Singapore.”

Gagampanan ni JC sa The Eventologist ang role ni Steven, isang OFW na nag-o-organize ng mga concert at show na itinatampok ang mga sikat at kilalang Filipino singers, bands , at celebrities.

Sa Qatar isu-shoot ang pelikula kaya kailangang magtungo siya roon by November at inamin ng actor na masusing paalaman ang ginawa niya sa kanyang mag-ina lalo’t matagal-tagal siyang mawawalay sa mga ito.

Ang docu-drama movie ay mula sa panulat at pagdidirehe ni Oscar de Jesus Yema na matagal na ring OFW. Bukod sa pagtatrabaho sa Qatar’s TV industry, nagtrabaho muna siya sa ilang malalaking TV network sa ating bansa na mula sa researcher ay naging executive producer. Ilan sa mga programang pinamunuan niya ay ang ABS-CBN’s Inside StoryHoy, Gising! Magandang Gabi, Bayan, at ang GMA 7’s Brigada SieteEmergency, Imbestigador, at Saksi.

Iginiit ni JC na umaasa siyang ang The Eventologist ay magiging isang most special projects sa kanyang filmography dahil na rin sa subject nito gayundin sa pakikipag-collaborate niya sa mga full-fledged OFW-filmmaker.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sahara Bernales Maryang Palad

VMX star Sahara Bernales proud sa tatay na transgender

I-FLEXni Jun Nardo HINDI ipinagkakaila ng VMX sexy star na si Sahara Bernales ang pagiging IP (indigenous people) niya. …

Xian Gaza Ai Ai delas Alas

Payo ni Xian kay Ai Ai may halong panunudyo

HATAWANni Ed de Leon MAY halong panunudyo pa rin ang payo ng blogger na si Xian …

Mark Anthony Fernandez

Mark Anthony Fernandez inamin sex video na kumalat

HATAWANni Ed de Leon FINALLY, nagsalita na rin si Mark Anthony Fernandez tungkol sa kanyang kontrobersiyal na …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Dating male sexy star gustong hiwalayan asawang itinuring siyang boytoy

ni Ed de Leon MATINDI ang tsismis, gusto raw hiwalayan ng isang dating male sexy star ang …

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *