Tuesday , December 24 2024

Janine bilang beauty queen —‘Di ko pinangarap

NEVER ko  pinangarap maging beauty queen.” Ito ang naging tugon ni Janine Gutierrez nang matanong sa thanksgiving virtual media conference ng matagumpay nilang pelikula ni JC Santos, ang Dito at Doon na handog ng TBA Studios at idinirehe ni JP Habac kung bakit hindi siya sumabak sa beauty pageant noon.

Katwiran niya, ”I love watching pageants and watching Miss Universe, Binibining Pilipinas, lahat. Pero for me to join hindi ko kasi siya naging pangarap eh.”

Bale nabigyang pansin lang ang galing niya sa pagho-host ng beauty pageant nang sumalang siya sa Miss World Philippines gayundin sa  ASAP Natin To.

Aniya, isa siya sa maraming Filipino na tagahanga ng Miss Universe at Binibining Pilipinas ngunit hindi niya nakikita ang sarili na magkakaroon ng sariling korona.

“It’s not something that I ever thought of pursuing talaga,” sambit pa ni nito.

Sa kabilang banda, sobra-sobra naman ang kanyang pa­sa­salamat sa suporta at mga papuri na natanggap nila sa Dito at Doon movie.

“Ang daming magagandang review and each review talagang sobrang pinag-uusapan namin sa Viber group namin. Ipino-post namin lahat,” lahat pa ng dalaga ni Lotlot de Leon.

Sinabi pa ni Janine na ang tagumpay ng Dito at Doon ay isang pagbibigay-pag-asa na may mga handa pa ring manood at sumuporta sa mga Pinoy movies kahit online dahil nga sa pandemya.

“For TBA to risk and to take this chance na talagang mag-produce pa rin ng pelikula despite the situation, it’s hopeful for me na patuloy ang trabaho.

“Mayroon pa ring gustong manood ng pelikula. Kaya naman manood online, kaya naman natin mag-adjust sa streaming so very hopeful itong pelikula na ‘to para sa akin.”

Bukod kay Janine present din sa thanksgiving virtual event sina JC, Victor Anastacio Yesh Burce, Lotlot de Leon, at ang kanilang director na si JP.

“We are grateful to everyone who watched ‘Dito at Doon’.  More than providing entertainment, we wanted the viewers to also find solace in these challenging times by experiencing the story of ‘Dito at Doon’,” sabi ni Direk JP.

First pandemic production ng TBA Studios ang Dito at Doon at marami ang pumuri at nagkagusto sa pelikulang ito na ini-release sa limang mahor streaming flatforms na. At na-extend pa ito dahil sa public demand kasama na ang pagri-release nito sa international.

Ngayong buwan lamang, ang pelikula ay available sa 60 bansa, kasama na ang USA, Canada, at ilang lugar sa Middle Eastat North Africa via TBA Play.  Nakipag-partner din ang TBA Play sa ilang international distribution at sales company, ang TVCO ang nagdala sa TBA Play contents sa ilang markets sa Europe.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *