Wednesday , September 18 2024

P1K sa Bayanihan 3 tinutulan ni Cayetano

SAKLOLO ng sambayanang Filipino ang ipinanawagan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano sa usapin ng kanyang panukala at ng mga kasamahan sa grupong Back-To-Service call to action para maisulong ang 10K Ayuda Bill sa Kngreso.

Ayon kay Cayetano, may kapangyarihan ang bawat isa na katukin ang puso ng kani-kanilang mga kongresista upang manawagang suportahan ang pagsasabatas ng P10K Ayuda Bill.

Noong Pebrero 2021 pa inihain ng grupo ni Cayetano ang panukala ngunit hindi man lamang ito binigyang halaga na talakayin at bigyang atensiyon noong dinggin ng Kamara ang Bayanihan 3.

Bagkus, isinulong ng House committees on Economic Affairs & Social Services na tig-P1K lamang ang ibigay na ayuda sa bawat Filipino sa dalawang tranches.
Mahigit P200 bilyon ang kakailanganing pondo para rito na ayon kay Cayetano ay sapat na para mabigyan ng P10K ayuda ang bawat pamilyang Filipino na dumanas ng sobrang kahirapan at kagutuman dahil sa CoVid-19.

Ano nga ba ang magagawa ng P1K para sa isang tao? Para lang kasi itong limos kompara sa P10K ayuda na puwedeng gamitin para sa pag-uumpisa ng maliit na kabuhayan para makabangon ang mga inilugmok ng CoVid-19.

Kaya tutol ang dating speaker sa P1K ayuda dahil wala nga namang halos epekto ito para sa mga benepisaryo. Para sa kanya hindi dapat maliitin ang pagtulong sa ating mga kababayan na mistulang dole out umano ang kalalabasan ng kanyang panukala.

Para kay Cayetano, dapat bigyan ng dignidad ang kapwa kahit sa aspekto ng pagbibigay ayuda sa kanila.

Sinabi ng mambabatas mula sa Taguig, hindi limos ang kailangan ng taongbayan dahil tayo ay nasa ilalim ng ‘extraordinary times.’

‘Ika nga, extraordinary times need extraordinary measures’ kaya hindi talaga uubra ang ayudang P1K. Kumbaga, “thanks but no thanks” kaya mismong si Cayetano na ang nanawagan ng tulong sa taongbayan para hindi tuluyang patayin ng kongreso ang P10K Ayuda Bill.

“Ligawan po natin ang ating mga kongresista,” sabi niya. Aniya, puwedeng sumulat ang concerned citizens sa kani-kanilang representante at mga lokal na opisyal upang iendoso ang 10k Ayuda Bill.

Malaki rin ang tiwala ng dating speaker na hindi ivi-veto ni Pangulong Duterte ang P10K Ayuda Bill kung ito ay makalulusot sa kongreso dahil hindi naman maikakaila na mahalaga at malaki ang maitutulong nito sa mga benepisaryo.

Kaya nga dahil sa kawalan ng aksiyon ng Kamara sa P10K Ayuda Bill, inilunsad na mismo ni Cayetano at ng kanyang mga kasamang kogresista noong Mayo Uno, Labor Day ang Sampung Libong Pag-asa, na mahigit 200 indibidwal ang nabigyan ng P10K ayuda mula sa 13 lugar sa bansa kasama na ang Caloocan, Quezon City, Mandaluyong, Marikina, Taguig, Rizal province, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Camarines Sur, at Ormoc City.

Kahapon din ay namigay si Cayetano at ang kanyang grupo ng P10K ayuda sa 20 indibidwal sa lalawigan ng Batangas. Bukod pa ito sa halos mahigit 30 kataong nabigyan ng P10K ayuda nina Cayetano mula nang ihain nila ang panukala sa kamara.

Ang hakbang ay ginagawa ng grupo para pukawin ang damdamin ng mga kongresista na itaguyod ang P10K Ayuda Bill kaya naman mga Sir at Maam sa kamara, paki-aksiyonan ang mga panukalang tunay na magbibigay tulong at ginahawa sa sambayanang Filipino.

Alam naman naming hindi ninyo ramdam ang epekto ang pandemya sa inyong mga kabuhayan pero ‘wag rin naman sana ninyong kalimutan na naghihingalo na ang ating ekonomiya dahil sa kawalan ng trabaho at pagkakakitaan dulot ng tugon ninyo sa pandemya.

Kamara, gising na! Aksiyon na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *