HINDI itinanggi ni Kim Molina na nagselos siya kay Sunshine Guimary. Ang pagseselos ng aktres ay mula sa love scenes nina Sunshine at Jerald Napoles sa pelikulang Kaka ng Viva Films.
Sa virtual media conference ng pelikulang pagsasamahan nina Kim at Jerald na mapapanood na sa June 11, 2021, Ang Babaeng Walang Pakiramdam tuwirang inamin ni Kim na nagselos siya.
“I’m very honest with the press mula dati pa, I’m human also, so I felt certain emotions hindi ko rin naman in-expect na magkakaroon ng ganoong klaseng movies but I also thought of that when I did ‘Momol Nights’ (kasama si Kit Thompson) na hindi malayong gagawin din ni Jerald,” paunang paliwanag ni Kim habang nakatingin ang boyfriend na si Jerald.
“Maraming nagsasabi na babaeng version ako ni Jerald at lalaking version naman niya ako. Hindi ko lang in-expect na gagawa siya agad. May mga certain emotions akong naramdaman of course, lalo na ang nagbigay kasi ng factor doon, eh, lock-in taping.
“So, as a girlfriend mayroon akong (naisip) na, ‘hala ano ang gagawin niya? Everyday ganyan. But at the same time pinagkatiwalaan ko si Je (tawag niya kay Jerald) at siya naman, he was such a gentleman and he would always tell me what’s happening, okay naman.
“Actually nag-video call kami ni Je (habang nasa lock-in shoot) tapos nandoon din si Shine, tapos nag-hi ako ganyan,” sunod-sunod na paliwanag ng aktres.
Sinabi pa ni Kim na,”Kaya pwede n’yo ‘yang gawing title, ‘Kim Molina, hindi naging babaeng walang pakiramdam.’ Ha-hahaha!”
Umayon naman si Jerald sa sinabi ni Kim at sinabing, ”If we were ordinary citizen, ‘yun ‘yung parte ng trabaho na artista lang ang gagawa na mayroon kang intimate scenes sa kapwa artista na usually sa ordinaryong tao, eh kayong dalawa lang ang gumagawa niyon as couple.”
Samantala, isang superhero ang role ni Kim sa pelikula samantalang ngongo naman si Jerald. Dahil dito, natanong ang director ng pelikula na si Darryl Yap na baka muli siyang ma-bash dahil dito tulad ng nangyari sa pelikula niyang Tililing.
Paliwanag ng director, ”I don’t want to discuss the character of Ngongo, I don’t want to discuss it in a presscon. I want to discuss it after the people have seen the movie. I don’t think kapag napanood na nila ang pelikula ay need ko pa ba i-explain. I don’t want to explain my art, I don’t want to explain my movie.
“I am assuring the public that I am showcasing the character of Ngongo via Jerald with pure sensitivity respect and utmost a concern, by the way, they are living their lives.
“I did not put any intention to ridicule, this is actually a move to show the public that ngayon nagagamot noon hindi pa but they are living and they are actually part of the community. At paano sila maiintindihan ng taong hindi ganoon ka-sensitive.”
Sinabi pa ni Direk Darryl na naniniwala siyang, ”people will get valid with disability, will agree na they are the most sensitive people because aside from what they are coping in day to day basis sa kanilang nararamdaman physically sila pa ‘yung madalas nabu-bully, madalas nakatatanggap ng panlalait.”
Mapapanood na sa June 11 ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam na may worldwide premiere sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV, Cignal PPV at sa Vivamax.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio