Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jobert at Maine Nadaya, patok ang tandem sa The Bash with Jobert Sucaldito

SA gitna ng matinding pagsubok dahil sa coronavirus o CoVid-19. Naapektohan nito ang buhay ng tao pati na rin ang ekonomiya. Bumagsak ang stock market at turismo, maraming mga kompanya ang nagsara, nawalan ng trabaho at mga hindi natuloy na projects, lalo sa mundo ng showbiz.
 
Naging mahirap sa atin na itigil ang mga shows at events sa entertainment industry, mabuti na lang ay mayroong social media at malaganap ang naabot nito.
 
At dito nagsimula ang “THE BASH WITH JOBERT SUCALDITO” na napalabas noong September 30, 2020. Sumabay ito sa online world upang magkita-kita, magsama-sama, at marinig muli ang pinakabago at balitang pinaka-juicy sa loob at labas ng Philippine showbiz.
 
Mula sa pamagat mismo, ang host nito ay si Jobert Sucaldito na isang veteran showbiz news anchor at columnist, kasama ang vlogger, social media influencer, at Kumu artist na si Maine Nadaya. Ang “The Bash with Jobert Sucaldito” ay isang oras na online showbiz magazine talkshow at ipinalalabas nang live sa Facebook at YouTube tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes, simula ika-apat ng hapon.
 
Ang “The Bash” ay isa rin sa nanguna sa paggamit ng online platform upang makapagdala ng maiinit na balita hindi lang sa mundo ng showbiz kundi pati na rin sa mga kaganapan sa ating bansa. Tulad ng isyu ng ‘child car seat law’ na inilinaw ng Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Ms. Goddes Hope Libiran sa programa. Maging mga isyu tungkol sa face-to-face classes, vaccine, curfew, at ang paglulunsad ng Bayanihan Act ay tinalakay din dito.
 
Siyempre, ang naging maugong na eklusibong phone-patch interview kay Lindsay de Vera hinggil sa isyu na binuntis umano ito ni Dingdong Dantes na pinick-up rin ng iba pang mga showbiz online portals sa programa. Gayondin ang iba pang maiinit na isyu tungkol kina AiAi delas Alas, Aiko Melendez, Phoemela Baranda, Mocha Uson, Sean de Guzman, at iba pa na naimbitahang makapanayam sa programa. May pa-bonus pang blind items na tiyak na magugustuhan ng madla.
 
Kaya, upang mauna sa pinakabagong chikaBASH, ugaliing panoorin ang The BASH at huwag kalimutang i-like, follow, and subscribe ang kanilang official Facebook Page, Instagram at YouTube Channel!
 
FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/TheBash2020/; INSTGRAM: https://www.instagram.com/thebash_2020/; YOUTUBE CHANNEL: https://www.youtube.com/channel/UCxc1d0_5p17ZVBaueXRj12g.
 
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …