Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Face Shield Face Mask Quezon City QC

3, 200 pasaway walang suot na facemasks, face shields huli sa ‘one time, big time’ ops sa QC

UMABOT sa 3,200 violators sa health protocols ang nadakma sa pinagsanib na one-time, big-time operations ng mga operatiba ng Department of Public Order and Safety (DPOS), Quezon City Police District (QCPD), Task Force on Transport and Traffic Management, Task Force Disiplina, at Market Development and Administration Department sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng tanghali.
 
Sa report, isinagawa ang operasyon sa 142 barangays, at ang mga naaresto ay dinala sa Quezon Memorial Circle para sa dokumentasyon at tinuruan kung paano susundin ang ipinatutupad na ordinansa sa minimum health protocols ng GC LGU.
 
Bukod dito, inisyuhan din ang mga nadakip ng Ordinance Violation Receipts (OVR) na may katumbas na penalty na P300, P500, at P1,000 para sa una, ikalawa at ikatlong paglabag.
 
Ang violators ay kailangang magbayad sa itinakdang petsa, at kapag nabigo ay sasampahan ng kaso sa City Prosecutors Office.
 
Sinabi ni DPOS head ret. Gen. Elmo San Diego, tiniyak na ligtas ang kanilang operasyon at ang mga naarestong may sintomas ng ubo, sipon, nilalagnat at nahihirapan sa paghinga ay isinailalim sa swab testing, habang ang iba naman ay binigyan ng facemasks at face shields.
 
“Ginawa na natin itong ‘One Time Big Time’ noong nakaraang buwan, at gagawin pa rin natin ngayon. Hindi tayo titigil hangga’t marami pang pasaway na hindi sumusunod sa ating local ordinances on health protocols,” paliwanag ng DPOS chief.
 
“Ikinasa itong One Time Big Time operations sapagkat marami pa rin ang hindi sumusunod sa health protocols. Gayonman, ipatutupad pa rin natin ang maximum tolerance at ang mga mahuhuling lumabag ay bibigyan ng ticket,” ayon kay Mayor Joy Belmonte.
 
Kamakailan, namahagi ang QC LGU ng 1.2M facemasks at 300k face shields sa indigent residents na layuning maiwasan ang mga paglabag sa ipinatutupad na mga ordinansa sa lungsod. (ALMAR DANGUILAN)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …