Saturday , November 16 2024
gun shot

2 kritikal sa pamamaril sa Navotas at Malabon

DALAWANG lalaki ang nasa malubhang kalagayan makaraang mabiktima ng pamamaril noong araw ng Martes sa magkahiwalay na lugar sa mga lungsod ng Malabon at Navotas.
 
Kritikal ang kalagayan sa Tondo Medical Center (TMC) ng unang biktimang si Lucino Laguros, 54 anyos, tricycle driver at naninirahan sa Area 3 Labahita St., Brgy. Longos, Malabon City sanhi ng tama ng bala ng hindi batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
 
Sa ulat ng tanggapan ni Navotas Police chief P/Col. Dexter Ollaging, gamit ni Laguros ang kanyang mobile phone habang nakahiga sa kanyang tricycle sa Lapu-Lapu Ave., Brgy. NBBS Kaunlaran dakong 8:30 pm nang biglang pagbabarilin ng isa sa dalawang sakay ng motorsiklo na nasaksihan mismo ng 46-anyos niyang kinakasama na si Lerma Astillo.
 
Ayon kay Ollaging, nagsasagawa sila ng follow-up operation upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek para sa agarang pagkakadakip habang inaalam ang motibo ng pamamaril.
 
Nauna rito, dakong 3:00 am nang barilin sa kanang mata ng isang alyas Tyrone ang 18-anyos na si Vincent Revidad ng Block 49, Alupihang Dagat St., Brgy. Longos habang sumasalok ng tubig sa labas ng kanilang tirahan.
 
Kaagad na isinugod ng kanyang mga kaanak ang biktima sa Ospital ng Malabon ngunit inilipat kaagad sa Jose Reyes Memorial and Medical Center upang isailalim sa operasyon dahil sa tama ng bala.
 
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Joel Villanueva, bago nangyari ang pamamaril ay nagkaroon ng rambol ang dalawang grupo ng kalalakihan sa lugar at posibleng napagkamalang kaaway ang biktima na tiyempo namang lumabas ng kanilang bahay para sumalok ng tubig.
 
Tinutugis ng pulisya ang suspek upang papanagutin sa naturang krimen. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *