Saturday , December 21 2024

Mayor Tiangco nabakunahan na ng 2nd dose

NAKOMPLETO na ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang kanyang coronavirus disease 2019 (CoVid-19) inoculation kasunod ng kanyang ikalawang dose ng CoronaVac, noong Lunes sa San Jose Academy.
 
“Fully vaccinated na po tayo matapos makuha ang ikalawang dose ng CoronaVac. 28 days ang hinintay bago makompleto ang dalawang doses ng bakuna laban sa CoVid-19. Kailangan pong makompleto ang first at second dose para buo ang proteksiyong ating matatanggap mula sa bakuna,” ani Mayor Tiangco.
 
Hinimok ng alkalde ang mga Navoteño na makilahok sa programa ng pagbabakuna sa lungsod.
 
Binigyang diin niya ang pangangailangan na makakuha ng pangalawang dose at fully vaccinated upang matiyak ang kompletong proteksiyon mula sa sakit.
 
Gayonpaman, ‘di pa rin aniya 100% na hindi tayo magkakasakit ng CoVid-19 kapag bakunado na ang isang tao.
 
“Ang bakuna ay nagbibigay sa atin ng proteksiyon para hindi magkaroon ng severe o malalang CoVid at hindi manganganib maospital o mamatay,” anang alkalde
 
Ipinaalala ng alaklde, kasabay ng pagpapabakuna, patuloy pa rin isagawa ang minimum health protocols para hindi mahawaan ng sakit. (ROMMEL SALES)
 
 

About Rommel Sales

Check Also

Makapili Vlogger

Makabagong makapili, trolls, vloggers tinira ni Barbers

KINONDENA ng isang kongresista mula sa Mindanao ang tinagurian nitong “Makabagong Makapili” o mga Pinoy …

Mary Jane Veloso

OFW Mary Jane Veloso nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang napiit na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 14 …

121924 Hataw Frontpage

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

121924 Hataw Frontpage

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

HATAW News Team ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *