ISANG lolo kabilang ang walong kalalakihan, ang nasakote ng Oplan Galugad nang maaktohang nagsasabong sa isang tupadahan sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Malabon city police chief, Col. Joel Villanueva, ang mga inaresto na sina Nestor Cator, 62 anyos, Roger Garcia, 47 anyos, Edison Ybañez, 33 anyos, Joel Toñacao, 54, Ronilo Peronilo, 35, Arman Enmil, 32, Rico Barles, Jr., 39, Wilfred Duro, 39, at Ricky Rivadulla, 34 anyos, pawang residente sa Brgy. Maysilo.
Batay sa imbestigasyon ni P/SSgt. Michael Oben, dakong 11:00 am, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 3 sa pangunguna ni P/Major Carlos Cosme sa kahabaan ng Yanga St., Brgy. Maysilo.
Dito, naaktohan ng mga pulis ang isang grupo ng mga mister na nagsisigawan at nagkakasayahan habang panay ang salpok ng mga manok gawa ng tupada sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakompiska ng mga awtoridad ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P4,100 bet money.
Nahaharap ang siyam na suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 Amended by RA 9287 (Illegal Cockfighting locally known as “Tupada”) na ngayon ay nakapiit sa himpilan ng pulisya. (ROMMEL SALES)
Check Also
Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila
PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …
Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog
NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …
ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future
DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …
Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital
HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …
Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec
IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …