ARESTADO ang sinasabing miyembro ng Philippine Team Billiard Player kabilang ang siyam pa dahil sa pagsusugal at paglabag sa health protocols na ipinaiiral sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City, nitong Linggo ng umaga.
Ang nadakip na miyembro ng PH team billiard player ay kinilalang si Edwin Dela Cruz, 30 anyos, binata, ng 30A Santalla St., Pasig City.
Kabilang sa mga naaresto sina Jesus Dacoro, 52, ng Gulod, Novaliches; Mark Anthony Querubin, 34, online seller, ng Purok 19 San Lorenzo Ruiz, San Roque, Antipolo City; Brian Bucio, 35, binata, Toktok driver ng Kayumanggi St., Barangka Drive, Mandaluyong City: Aevan Gonzal, 29, nurse attendant, binata, ng Binangonan Rizal; Batch Merch Obispo, 35, ng Binangonan Rizal; Jun Talosig, 46, ng Cubao QC; Norodin Cervantes, 38, driver, ng Upper Bicutan, Taguig City; Michael Ubaldo, 33, driver, ng Sitio De Asis Parañaque City, at Mark Lloyd San Pedro, 36, billiard player, binata ng Labao St., Ligid Tipal Taguig City,
Ayon sa Public Information Office ng Quezon City Police District (QCPD-PIO), dinakip ang mga nabanggit dakong 5:40 am nitong 9 May, sa Barwen Restobar sa No. 82 Mary Street, E. Rodriguez, Quezon City.
Sinabi sa report, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng QCPD hinggil sa reklamo ng illegal gambling activity sa lugar at paglabag sa health protocols.
Agad nagsagawa ng police operation ang mga tauhan ng DSOU sa pangunguna nina P/Maj. Sandie Caparroso, P/Lt. Ronnie Ereño, at P/Lt. Honey Besas at mga tauhan ng Cubao Police Station at dinakip ang mga suspek na naaktohang nagsusugal sa larong billiards, maliwanag na paglabag sa health protocols.
Nakapiit ang mga nadakip sa DSOU ng QCPD habang inihahanda ang kasong paglabag sa illegal gambling at health protocols laban sa mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …