NILOOBAN ang bahay saka binaril sa ulo ang isang nanay ng hindi kilalang suspek habang abala ang marami sa pagdiriwang ng Mother’s Day sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.
Ang biktima ay kinilalang si Carlota Panugan Macatangay, 41 anyos, walang trabaho at nangungupahan sa Sito Militar, Barangay Bahay Toro, Quezon City.
Namatay noon din ang biktima dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo.
Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Julius Raz ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 5:30 pm nitong 9 May, nang maganap ang pamamaril sa ikalawang palapag ng tahanan ng biktima.
Sa pahayag ng kaptibahay na si Eric Mabborang, nanonood siya noon ng telebisyon nang makarinig ng isang malakas na putok pero binalewala lamang.
Habang ang isa pang kapitbahay na kinilalang si Ailah Arellano ay nagkataong nagtungo sa bahay ng ginang upang maningil ng pautang, pero tumambad sa kaniya ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay.
Sa takot ay agad tumakbo sa kanilang barangay si Arellano upang ireport ang pangyayari.
Nakasamsam ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa pamumuno ni P/Lt. John Agtarap ng isang basyo ng balang hindi pa batid kung anong kalibre ng baril.
Ayon kay Jason, mister ng biktima, wala umano siyang nalalaman na nakaaway ang kaniyang misis.
Masusing nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa motibo ng krimen. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …