Wednesday , April 16 2025
shabu drug arrest

Sekyu huli sa shabu (Tumira muna ng bike)

KULUNGAN binag­sakan ng isang security guard matapos maku­haan ng shabu nang tangkain niyang habulin ang testigong nakakita sa ginawa niyang pagtangay sa isang mamahaling bisikleta sa Malabon City, kamakalawa ng  mada­ling araw.

Kinilala ni Malabon City Police Chief Col. Joel Villanueva ang na­arestong suspek na si Edward Castite, 39 anyos, residente sa Block 4 Kadima Letre, Brgy. Tonsuya.

Batay sa pinagsama-samang ulat nina P/SSgt. Jerry Basungit, P/SSgt. Mardelio Osting, at P/SSgt. Diego Ngippol, nagpapatrolya sa Brgy. Riverside ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) dakong 4:30 am nang mamataan ang tumatakbong lalaki na kinilalang si Rollie Sudario, 46 anyos, patungo sa kanila at humihingi ng tulong.

Sinabi nini Sudario na hinahabol siya ni Castite dahil nasaksihan niya ang ginawang pagtangay ng bisikletang naka­parada sa tapat ng kanyang bahay kaya’t dinakip ng mga pulis ang suspek.

Nang kapkapan, nakuha ng mga pulis sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng 0.012 gramo ng shabu na tinatayang nasa P816 ang halaga.

Nahaharap sa kasong pagnanakaw, dagdag ang kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act si Castite.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Sara Discaya Team KAYA THIS

Team KAYA THIS, nanawagan sa Comelec

NANAWAGAN ngayong Martes ang TEAM KAYA THIS ng Pasig City sa Commission on Elections (COMELEC) …

Water Faucet Tubig Gripo

Kompanya ng mga Villar sinisi sa kawalan ng tubig sa iba’t ibang lugar 

BINATIKOS ng mga konsumer mula sa iba’t ibang panig ng bansa si Las Piñas representative …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *