Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gloc-9 ibinida ang ina sa kanyang Mother’s Day vlog

NOON pa man ay kilala na namin si Gloc-9 bilang isang mabuting tao, anak, asawa, at kaibigan. Kaya hindi na kami nagtaka nang ibalita sa aming gagawa siya ng isang tribute vlog para sa kanyang ina para sa Mother’s Day.

Sa kanyang Youtube vlog, isang makabagbag-damdaming tribute ang inihandog ni Aristotle Pollisco o mas kilala bilang Gloc-9, sa kanyang inang si Ginang Blesilda. Rito’y inihayag ni Gloc-9 ang kanilang buhay noong nasa Binangonan, Rizal pa lamang sila.

Ipinakita ang buhay ni Gloc-9 noong maliliit pa lamang sila ng kanyang mga kapatid kasama ang kanyang ina sa pamamagitan ng maraming pictures kasama ang kanilang ama na nasa malayo at nagtatrabaho noon bilang mechanic sa Saudi Arabia.

Nagbalik-tanaw ni Gloc-9 sa hirap ng kanyang ina para kumita ng ekstra, ”Nagtayo si Nanay ng sari-sari store. Dahil kahit nasa abroad si Tatay, sapat lang ang kinikita niya para sa panga­ngailangan namin kada buwan.”

May mga pag­kakataon na kung talagang hirap sila, napipilitang magsanla ang kanilang ina  o magbenta ng alahas para mapunan ang kanilang mga pangangailangan.

“Minsan may panahon na nag-iiba ang mga gastusin,” pagbabalik-tanaw ni Gloc-9, “kaya makikita mo ‘yan si Nanay, pumipili sa mga alahas niya para isanla.”

Naikuwento rin ni Pollisco kung paanong walang takot na hinarap mag-isa ng kanyang ina ang mga bagay-bagay para lamang makaipon sila ng pera, makakain tatlong beses sa isang araw, gawin ang mga gawain bahay at kung ano-ano pa.

Ang mga katangiang ito ay nakikita rin ni Gloc-9 sa kanyang asawa kung paano ito ka-dedicated sa kanya at sa kanilang anak, ka-resourceful at mabuting ina at asawa.

“Ang aking maybahay na si Thea at si Nanay ay magkatulad ng ugali,” giit niya. “Palagi nila inuuna ang kapakanan ng kanilang mga anak. ‘Di bale nang mawalan sila, basta mayroon ang mga bata.”

Ang paglalarawan sa video ay tila nakawawalang pagod, kundi man kakaiba, sa imahe ni Gloc-9 na kilala sa pagiging agresibo sa pananalita sa kanyang mga awitin.

Makikita ng sinumang makakapanood ng video ni Gloc-9 ang mga hirap na dinanas ng kanyang ina para mapalaki ang isang tulad niya na magiging isa sa pinakamahusay na artists ng Philippine’s contemporary music.

Ito rin ang makikita sa mensaheng ipinararating ng Cebuana Lhuillier na naging katulong ng kanyang ina para maiahon sila sa kahirapan noon. Naging kaagapay din nila ang Cebuana sa tuwing magpapadala ang kanilang ama ng pera mula Saudi Arabia.

“I’m happy that Cebuana has given me the opportunity to thank them—and more importantly, my mom. As a company, Cebuana embodies the spirit of diskarte and pagbangon that my mother raised us with.”

Sa video, taos-pusong ipino-promote ni Gloc-9 ang Cebuana Lhuillier 24K Reward Program, na rito’y tinutulungan ng Cebuana ang kanilang mga customer para makaipon ng points sa bawat gagawing transaction. Ang points na ito ay magagamit para sa Cebuana transaction o pambili ng load. Puwedeng mag-sign up rito online at ito ay libre.

“The 24K Program is a great idea!With the pandemic going on, I personally use it whenever I need to transfer money remotely. And I love that I can save on fees because of the points I’ve earned.”

Noon ang Cebuana ang puntahan ng ina ni Gloc-9  para sa money remittances. Ngayon, ito na ang daan ni Gloc-9 para siya naman ngayon ang magpadala ng pera sa kanyang ina.

Pwedeng makuha ang inyong Cebuana Lhuillier 24k e-card ng libre kapag nag-sign up online sa 24k.cebuanalhuillier.com/signup/pr.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …