Thai Superstars tampok sa Kilig Saya ng TNT
IBANG klase ang TNT, pinagsama-sama nila sina Nonkul Chanon (Bad Genius), Gulf Kanawut (TharnType: The Series), at Thai superstar Mario Maurer (Love of Siam, Crazy Little Thing Called Love, Pee Mak) para maging ambassadors ng Kilig Saya campaign kasama si Sue Ramirez at ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.
“Filipinos and Thais have always had mutual appreciation for each other’s wealth of entertainment content, but we’ve seen this grow even bigger recently as more Filipinos enjoy easy access to streaming platforms and social media,” ani Jane Basas, SVP at Head ng Consumer Wireless Business ng Smart.
Dominated na ng Thai dramas at films ang Southeast Asian simula pa noong 2007 tulad ng K-Pop at Japanese cultures. Mayroon na ring mga Thai idol ang sumisikat din tulad ng K-Pop na nagpe-performer globally.
Si Nonkul Chanon ay nakilala sa pelikulang Bad Genius, na naging highest-grossing Thai film noong 2017. Katunayan, ito na ang may pinakamalaking kinita sa Asian countries. Sumikat naman si Gulf Kanawut sa TharnType The Series, adaptation ng popular Thai web novel. Sa pagtaas ng kanyang popularidad, naging paborito siyang magazine cover sa Thailand gayundin sa pagpe-perform ng solo concerts.
Pero sa lahat ng Thai celebrities, si Mario Maurer pa rin ang pinakasikat na Thai actor dahil na rin sa sangrekwang fans hindi lamang sa ‘Pinas pero maging sa Southeast Asia. Kinagiliwan siya sa Love of Siam noong 2007 at sa Crazy Little Thing Called Love noong 2010. Siya rin ang nagbida sa Thailand’s highest grossing film of all time, ang Pee Mak, na kumita ng U$33 million sa domestic at international box office receipts. (MVN)