NAGSIMULA na last Saturday ang fantasy-action series na Agimat ng Agila ng GMA-7. Tampok dito si Bong Revilla, na isang forest ranger na mayroong kapangyarihan mula sa enchanted eagle upang pangalagaan ang sangkatauhan at ang kalikasan laban sa evil supervillain.
Isa sa casts nito ang award-winning child actor na si Miggs Cuaderno. Ayon sa kanya, dapat tutukan ang kanilang serye na pagbabalik sa TV ni Bong.
Saad ni Miggs, “Dapat pong tutukan lagi itong serye naming Agimat ng Agila, maganda po ito, ito kasi ang pagbabalik telebisyon ng idolo nating si Sen. Bong Revilla.
“Tapos po, magandang CG (Computer Graphics) ang makikita nila rito at ang mga actions scenes pang pelikula, may mensahe para sa buong pamilya, at matututo pa tayong magpahalaga sa kalikasan at mga hayop sa ating kapaligiran. Matatawa rin po kayo sa ibang eksena, kaya kompleto po itong aming handog sa mga Kapuso, itong Agimat ng Agila.”
Pahabol niya, “Ang role ko po rito, ako po si Bidoy na sidekick ni Sen. Bong as Major Gabriel. Lagi po kaming magkakasama at magkakaeksena nina tito Benjie (Paras) at Sen. Bong.”
First time ba niyang nakatrabaho si Bong? Wika ni Miggs, “Opo first time at very proud at happy po ako na nakuha po ako bilang Bidoy sa seryeng ito. Kasi po, rati pinapanood ko lang po si Sen. Bong, tapos ngayon kaeksena ko na. Grabe po ang saya at privilege na makasama siya. Napakabait po ni Sen. Bong, maalalahanin siya at ayaw niyang may nagugutom. Madalas po, parang fiesta sa set namin. Kahit po off cam, mabait po talaga si Sen. Bong.”
Nabanggit din niyang nag-action din siya rito? “Opo, kasama nila ako sa fight scenes, bale nakikisuntok at palo rin po ako, hehehe. Pero siyempre po bilang ako ‘yung bata, iniingatan po nila ako,” pakli pa ni Miggs.
Gusto ba niyang sundan ang yapak ni Sen. Bong?
Esplika ni Miggs, “Siyempre naman po Sen. Bong Revilla, Jr., po iyan, e. Talaga pong gusto kong sundan ang yapak niya, na maging mahusay na actor kagaya niya at maglingkod sa ating bayan.”
Ang Agimat ng Agila ay napapanood tuwing Sabado, 7:15 pm, after ng Pepito Manaloto. Tampok din sa serye sina Sanya Lopez, Allen Dizon, Elizabeth Oropesa, Roi Vinzon, Michelle Dee, Sheryl Cruz, at iba pa.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio