NAKAKULONG ngayon ang magkapatid na kapwa miyembro ng ‘Pantawid Pamilyang Pilipino Program’ (4Ps) nang maaresto sa isang buy bust operation sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng hapon.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Antonio Yarra, ang magkapatid na sina Mark John Mateo, alyas Macky, 35 anyos, at John Neil Mateo, 28, kapwa residente sa No. 39 P. Bautista St., Brgy. Pansol, QC, ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa ulat ni P/Lt.Co.l Alex Alberto, hepe ng Quezon City Police District – Kamuning Police Station (QCPD-PS-10), dakong 2:30 pm nang maaresto ang mga suspek sa joint buy-bust operation na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Kamuning PS-10 at Anonas Police Station 9 (PS-9), nasa ilalim ng pamumuno ni P/Lt.Col. Imelda Reyes.
Nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa illegal na aktibidad ng magkapatid kaya’t agad na nagkasa ng buy bust operation sa N. Perez St., Brgy. Pansol.
Nang makabili ang undercover cop ng P6,500 halaga ng shabu, agad inaresto ang mga suspek at dinala sa presinto.
Nakompiska mula sa mga suspek na kapwa kasama rin sa drug watchlist ng PS 10, ang buy bust money, isang sachet ng shabu na may timbang na limang gramo, nagkakahalaga ng P34,000, at isang cellular phone. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY
PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …