Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KM Oliveros, idol si Sarah Geronimo

PANGARAP ni KM Oliveros na makilala bilang singer/recording artist. Siya ay 13 years old, Grade 8 student sa SSS National High School, Marikina City, at tubong Palayan City, Nueva Ecija.
 
Sa murang edad na tatlo ay nagsimula na siyang kumanta.
 
Aniya, “Dream ko na po talagang maging singer kahit bata pa lang ako noon. Bale, mahilig na po akong sumali sa mga contest sa school at sa mga barangay po.”
 
Sa ngayon ang kanta ni KM na Ipinaglaban Kita at Sana Ako Pa Rin ay mapapakinggan sa kanyang YouTube Channel at Facebook account.
 
Paano niya ide-describe ang dalawang kantang ito?
 
Wika ni KM, “Parang naging inspirasyon ng pinsan ko po kaya naisulat niya ang Ipinaglaban Kita dahil sa mga totoong nangyayari sa kasalukuyang henerasyon. Pilit na ipinaglalaban ang pagmamahalan nila pero ang daming hadlang. Iyong Sana Ako Pa Rin naman po na ako mismo ang nag-compose, tungkol po ito sa pandemic na dahil dito’y maraming napalayo sa mga mahal sa buhay o mga kaibigan, kaya parang sinasabi na LDR.”
 
Ipinahayag din ni Kyla (nickname ni KM), na si Sarah Geronimo ang idol niya.
 
Sambit ni KM, “Si Ms. Sarah Geronimo po ang idol ko. Noong bata pa po ako, ‘yung mga kanta niya ang palagi kong kinakanta kasi, magaling siya kaya ginagaya ko po.
“Gusto ko pong maging katulad ni Ms. Sarah someday, dahil napapanood ko po kung gaano siya kasikat ngayon, hindi lang sa Filipinas kundi pati sa ibang bansa. At sa pamamagitan po ng pagkanta ay natulungan niya ang kanyang pamilya.”
 
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …