KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 46-anyos lalaki matapos saksakin sa ulo ng kabarangay sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Roger Acedera, residente sa Block 44, Lot 25, Brgy. Longos sanhi ng saksak sa ulo.
Nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek na kinilalang si Melchor Marbida, Jr., 22 anyos, residente sa Block 26 Lot 8, Kaligay Alley, Brgy. Longos.
Sa report nina police investigators P/SSgt. Mardelio Osting at P/SSgt. Diego Ngippol, dakong 2:20 am nang maganap ang insidente sa Blk 26, Lot 8, Kalinga Alley.
Base sa imbestigasyon, nakahilata ang biktima sa isang upuan sa naturang lugar nang lapitan ng suspek na armado ng kitchen knife at sa hindi malamang dahilan ay tinarakan sa kanang bahagi ng ulo si Acedera kaya’t agad siyang inawat ng ilang istambay sa lugar.
Matapos ang insidente, mabilis na isinugod si Acedera sa ospital.
Naaresto si Marbida ng nagrespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 at nakuha sa kanya ang ginamit sa pananaksak na kitchen knife. (ROMMEL SALES)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …