Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kenneth Jhayve Bautista, thankful sa short film na Salidumay

INAMIN ng newbie actor/model na si Kenneth Jhayve Bautista na malaking blessing sa kanya ang short film na Salidumay.
 
Ito ay pinagbibidahan ng Cordilleran actress na si Mai Fanglayan na naging Best Aktres sa ToFarm Film Festival at Urduja Film Festival sa kanyang natatanging pagganap bilang asawa sa Tanabata’s Wife.
 
Wika ni Kenneth, “Talagang I feel blessed na ipinagkatiwala sa akin ang role bilang Franz, isang dating seminarista na lumaki sa Abra at naninirahan ngayon sa Baguio City. Sobrang blessed din dahil ako ang kakatawan sa Filipinas sa Mister Teen International 2021 na gaganapin sa Vietnam sa darating na Oktubre.
 
“Nakaka-relate ako sa katauhan ni Franz sa Salidumay dahil sa isang masakit na karanasan ko sa pag-ibig.” paliwanag pa niya.
 
Dagdag ni Kenneth, “Yes, I am very proud and inspired sa aking direktor na si Dexter Macaraeg, magaang siyang katrabaho at very professional.
 
“Simple lang ang story nito, tungkol sa first date and I’m proud to say na puwede naming ilaban sa international filmfest ito.”
 
Ang pelikula ay mula sa panulat at direksiyon ni Dexter Macaraeg, na isa ring Cordilleran from Abra. Tampok din sa Salidumay sina Emmanuel Dela Cruz, Onyl Torres, Seth Wayne Blas Chacapna, Austin Docyogen, Janet Tayab Soriano, Eric Kelly, Janet Mondata, ang dalawang Ibaloi na lola na sina Vicky Macay at Lilian Siapol Ocan Castro, at iba pa.
 
Ang production crew ng Salidumay ay binubuo nina Shem Padua, Jonnie Lyn Dasalla, Romnick Bayeng, JC Patnao, Melinda Ocan Castro, Ellen Castro Herrera na lahat ay taga-Baguio at Benguet, maliban kay Sherylene Bagayao na taga-Abra.
 
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …