Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Project ni Derek Ramsay sa GMA-7 network unti-unting natitigbak

NABAGO na pala ang casting ng madramang series na To Have and To Hold na noong una ay napabalitang pagbibidahan ni Derek Ramsay, together with Carla Abellana and Max Collins.
 
But ang latest development, papalitan na raw siya ni Rocco Nacino.
Dapat ay mayroong ibang project na nakalaan kay Rocco — ito ‘yung Artikulo 247 wherein ang kasama niya ay sina Rhian Ramos, Mark Herras, at Jackie Rice.
But as of this writing, tinanggal na pala siya roon dahil kanya na itong To Have and To Hold.
 
Labis na ikinatutuwa ni Rocco na right after his guesting with Owe My Love, magkakasunod na ang gagawin niya sa GMA-7.
 
So, could it mean na hindi na muna tuloy ang kanilang honeymoon ni Melissa Gohing Europe?
 
Anyway, on to other things, isa dapat si Megan Young sa tatlong leading ladies ni Dennis Trillo sa Legal Wives.
 
Ang latest, ligwak na sa project si Megan at papalitan siya ni Andrea Torres.
 
May kapalit namang project para kay Megan. Ito ang Sing For Hearts na iho-host nila ng kanyang asawang si Mikael Daez.
 
Supposed to be ay magtatambal sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa Sanggang Dikit. Ang kaso, nagkahiwalay sila, at na-shelve ang project.
 
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
 
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
 
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
 
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …