LIMANG sabungero, kabilang ang isang barangay tanod ang nadakip matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang tupadahan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Malabon Ctiy Police chief Col. Joel Villanueva ang naarestong suspek na sina Rey Castillo, Sr., 39 anyos, barangay tanodl; Levy Galangue, 48 anyos; Ronel Gregana, 31, kapwa ceiling installer; Renante Ragasa, 27 anyos; Eddie Sanchez, 44 anyos; magkakapitbahay sa Dumpsite Sitio 6 Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.
Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, nakatanggap ng tawag sa cellphone mula sa isang BIN informant ang mga tauhan ng Malabon Police Station Intelligence Section hinggil sa nagaganap na tupadahan sa nasabing lugar.
Agad bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Lt. Joseph Alcazar, kasama ang Sub-Station 4 sa pangunguna ni P/Lt. Edgardo Magnaye sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Villanueva.
Matapos nito, sinalakay ng mga tauhan ng SIS at SS4 ang naturang lugar dakong 2:40 pm na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakompiska ng mga pulis sa lugar ang dalawang patay na panabong na manok, may tari, at P3,600 bet money. (ROMMEL SALES)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …