Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

May sapat bang pondo para sa 2022 elections?

SABI nagkasundo na sina vaccine czar Carlito Galvez, Jr., at ang Commission on Elections (Comelec) na ituloy ang national at local elections sa taon 2022.

Alam natin na hindi biro ang pondong gagastusin dito, alam natin na dumanas ng kagipitan ang ating bansa partikular ang mga local government, paano maisasakatuparann ito?

Saan mang lugar sa bansa ay labis na nakaapekto sa mga incumbent officials ang pagbibigay ng ayuda. Halimbawa ay ‘yung mga hindi nabigyan at ‘yung mga dating nabigyan ng SAP, posibleng nabawasan sila ng pogi points sa mga dating bomoto sa incumbent officials.

Isa ito sa magiging problema ngayon ng incumbent officials. Isa kasi sa tiwaling gawain ng mga incumbent mayors sa bansa, kapag may relocation ang mga dating residente sa isang lugar, gaya sa San Jose Del Monte City sa Bulacan, may mga inire-relocate na residente sa nasabing bayan mula sa Makati City, kaya hanggang ngayon kahit residente ng SJDM ay sa Makati City pa rin nakarehistro.

Kaya naman kasama pa rin sila sa bigayan ng ayuda sa Makati City, bukod pa sa ibibigay ng lokal na pamahalaang SJDM.

Sikat ang SJDM sa relocation site pero hindi pa pala nalilipat ang mga pangalan nito kaya pagsapit ng elek­siyon dagdag boto ito sa pinangga­lingang lugar.

Speaking of SJDM, tanong ko lang, bakit iisa ang kongre­sista? Sa halip na asikasuhin ni Mayor Arthur Robes at misis nitong si Congw. Roda Robes na hatiin sa apat na Barangay ang Brgy. Muzon, mas dapat na gawing dalawa ang congressional representative ng SJDM dahil sa lawak ng lupain at dami ng populasyon nito.

Opinyon ko, kaya gustong hatiin sa apat na barangay ang barangay Muzon, dahil kalaban nila ang kapitan ng barangay dito. Para sa gayon kung mahahati sa apat na barangay ang Muzon, tiyak na tiyak na makokopo nila ang mga botante. Bakit hindi na lang gawing dalawa ang kongresista gayong dalawang distrito ang bayan ng SJDM?

Opinyon lang, bato-bato sa langit, tamaan huwag magagalit.

Bakit nga ba Congw. Rida Robes ‘di mo ipanukala sa Kongreso at ang pinag-iinitan ninyo ay Brgy. Muzon na hatiin sa apat? Talagang kaduda-duda. ‘Yan tuloy nagagalit ang mga residente ng Brgy. Muzon!

Hintayin natin kung matutuloy nga ang eleksiyon sa taon 2022.

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …