Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lunch Out Loud ni Alex Gonzaga kinaiinggitan ng bashers

MAKAILANG beses nang nabalita na mawawala na ang Lunch Out Loud sa TV 5 na sina Alex Gonzaga at Billy Crawford ang main hosts. Actually last year pa may mga espekulasyon nang titigbakin ang noontime show pero mabilis naman itong itinanggi ng producer ng programa na si Mr. Albee Benitez, owner ng Brightlight Productions na hindi sila mawawala kaya patuloy silang mapapanood.

Sa apat kasing programa na produced ni Mr. Albee sa TV 5, ang Lunch Out Loud lang ang nagre-rate. Pero  hayan na naman ang mga detractor ng show, kanilang ikinakalat na hanggang June this year na lang  ang noontime show ni Alex, but according to my informant ay hanggang August this year pa ang kontrata ni Alex para sa Lunch Out Loud. At baka puwedeng ma-extend pa ito kaso mukhang matagal nang atat ang It’s Showtime na palitan sila. Well tingnan natin at baka dito na lalong mangulelat ang ratings ng show ni Vice Ganda and company. Porke alam nilang pinapanood ang Lunch Out Loud ay kanila itong pinag-interesan.

Well, sabi nga sa kasabihan you cannot put a good man down or you cannot put a multi-talented TV host/actress/vlogger like Alex Gonzaga at sigurado marami ang kukuha sa kanyang serbisyo.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …