Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine Guimary, pasado ang kaseksihan kay Andrea del Rosario

PATULOY sa paghataw sa pelikula ang former Viva Hot Babe na si Andrea del Rosario.
 
Last month ay katatapos lang niyang mapanood sa Biyernes Santo na tinampukan nina Mark Anthony Fernandez, Gardo Versoza, at Ella Cruz. Natapos na rin ni Ms. Andrea ang Pugon, with Soliman Cruz and up and coming indie movie child stars.
 
Sa May 28 ay mapapanood muli si Andrea sa pelikulang Kaka na tinatampukan ni Sunshine Guimary. Siya ang pinakabagong Viva talent na napiling gumanap bilang Kaka. Kilala si Sunshine bilang vlogger at tinaguriang “Braless Goddess” dahil sa pagmomodelo ng mga microkinis and lingerie sa kanyang YouTube at Instagram.
 
Tampok din sa pelikula sina Ion Perez, Jerald Napoles, Gina Pareño, Rosanna Roces, Maui Taylor, Jackie Gonzaga, Debbie Garcia, Juliana Parizcova Segovia, Giselle Sanchez, Sheree, Lander Vera-Perez, Minnie Nato at iba pa, with special participation nina Janine Teñoso, Marion Aunor, at Ronnie Liang.
 
Inusisa namin si Ms. Andrea kung ano ang masasabi niya sa bida sa Kaka na si Sunshine?
 
Tugon ni Ms. Andrea, “She’s super nice and sweet. Apologetic nga because she said that it’s her first movie and hindi pa raw siya marunong so she asked for me to bare with her.”
 
Sigurado si Ms. Andrea na may potential o puwedeng maging next sexy star si Sunshine.
 
“Of course!” Mabilis na tugon ng aktres. “She looked so determined and has good attitude… and she’s with Viva,” diin ni Ms. Andrea.
 
Since sumabak din siya sa sexy roles noon, inusisa namin ang veteran actress kung pasado ba sa kanya ang kaseksihan ni Sunshine?
 
Nakatawang saad ni Ms. Andrea, “Pasadong-pasado po, hehehe! Super-sexy niya! I wish I am as sexy as her! Hahahaha!”
 
Anyway, sa May 28, 2021 ay BubuKAKA na! Hayaan si KAKA na mas lalong painitin ang summer.
 
Panoorin ang premiere nito sa Vivamax! Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari rin mai-download ang app at mag-subscribe via Google Play Store at App Store o bumili ng Vivamax vouchers sa Shopee at Lazada. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan at P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Vivamax, atin ‘to!
 
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …